Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

Maja “Tatak” Salvador

Maja Salvador

Sa show business, kapag sinabi mo ang pangalang Salvador, ang unang papasok sa isipan mo ay magaling na direktor, mahusay na aktor at malaking pamilya.  Ilan sa mga Salvador na nakilala sa mundo ng showbiz ay sina Lou Salvador Sr. ( direktor), Lou Salvador Jr. ( aktor at kinilalang James Dean ng Pilipinas noong late 50’s), Leroy Salvador ( Panganay na anak ni Lou Salvador Sr., aktor at direktor), Chona Sandoval ( aktres late 50’s) Alona Alegre ( aktres dekada 70), Philip Salvador ( Aktor dekada 70), Ross Rival ( aktor dekada 60),  Jobelle Salvador (aktres dekada 80), Jon Hernandez ( anak ni Ross Rival kay Alicia Alonzo, aktor dekada 80)at si Maja Salvador.


Siyang tunay, si Maja ay nagmula sa isa sa pinakamalaking angkan sa showbiz, ang mga Salvador.  Angkan ng mga direktor at mahusay na artista.  Multi-talented ika nga.  Hindi basta aritsta kundi de kalibre.  Simula sa pagkabata ay nakitaan na si Maja ng hilig sa paga-artista at hindi maikakaila dahil sa loob ng mahigit sa 10 taon niya sa mundo ng mga artista ay marami na rin siyang napatunayan at may gusto pa ring patunayan.  Ika nga niya,  tuluy-tuloy pa rin ang pagtuklas niya sa sarili.

Nag-umpisa si Maja sa kanyang acting career taong 2003 sa ABS CBN bilang suporta sa isang TV series na pinangunahan nina John Loyd Cruz at Bea Alonzo, ‘It Might Be You.”  Matapos ito ay isinali siya bilang isa sa lead character sa “Spirits” at madalas siya i-guest sa iba’t ibang episode ng Maalaala Mo Kaya.

Taong 2006, naging makatotohanan ang kanyang pagganap bilang isa sa supporting characters sa pelikulang “Sukob” kung saan ginampanan niya ang role na isang clairvoyant na nakakakita ng espiritu.  Maraming nakapansin sa kanyang akting kung saan ginawaran siya ng parangal ng  Star Award for Movies for New Movie Actress of the Year at  the Golden Screen Award for Breakthrough Performance by an Actress, at nominasyon mula sa FAMAS Awards for Best Supporting Actress.

 

Maja

 

Isa sa hindi malilimutang character na ginampanan ni Maja ay nang gampanan niya ang role na teenager na may sakit na cerebral palsy sa episode na “Regalo” ng Maalaala Mo Kaya.  Nakakuha siya ng nominasyon para sa Best Single Performance by an Actress sa Star Awards for Television subalit natalo siya sa kanyang co-star na si Vilma Santos, na gumanap naman bilang kanyang ina sa naturang episode ng Maalaala Mo Kaya.

Hindi lamang sa telebisyon namayagpag si Maja kundi maging sa pelikula ay napansin din ang kanyang namumukod tanging acting.  Ika nga ng mga kritiko, lagi siyang nakalutang at ang kanyang acting ay may kakaibang kinang.
Taong 2011 ay nakasama siya sa cast ng critically acclaimed family-military drama series Minsan Lang Kita Iibigin kung saan nakatambal niya si Coco Martin na nagsisimula pa lamang gumawa ng pangalan at ang drama series na ito ang naging daan upang makilala siya bilang isa sa pinakamahalagang actor ng ABS CBN.

Matagal ding namayagpag sa ratings ang drama series na ito at sa pagitan nun ay ginagawa din ni Maja ang isang Independent film kung saan isa siya sa mga producers nito ang pelikulang “Thelma”.  Ang pelikulang ito ay co-produced ni Maja at siya ang title role.  Ang kanyang pagganap bilang si Thelma ay umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa kritiko.  May magandang reaksiyon at may hindi rin magandang komento.  Ayon kay Bong Godinez ng Philippine Entertainment Portal, napak-impressive diumano ang pagganap ni Maja sa role na Thelma.  salungat naman sa komentyomula kay Tessa Guazon ng Young Critics Circle – Film Desk na nagsabing may ilang aspeto ng pelikula na diumano ay  hindi nabigyan ng tamang akting ni Maja, kumbaga ay medyo kinulang.

Taong 2012, ay napanood siya sa isang panghapong drama series, “Lumayo Ka Man Sa Akin” at pagkatapos ay ang  primetime soap na “Ina, Kapatid, Anak” kasama si  Kim Chiu sa title role.  Sa taong 2014 ay isa sa pinakamagandang teleserye ang napanood ng mga avid TV viewers ng ABS CBN, ito ay ang The Legal Wife, kung saan kasama niya sina Angel Locsin, Jericho Rosales at si Maja bilang mistress na ginampanan niya ng buong husay.  Magandang ang ratings ng naturang drama teleserye simula sa umpisa hangang sa final episode nito. Hindi binitiwan mga manonood dahil bawat eksnea ika nila ay exciting.  Mahuhusay at pawang de kalibreng artista ang kasama kung kaya’t nag-enjoy ang lahat sa panonood nito.  Naging very effective  ang role ni Maja bilang si Nicole at talagang hinangaan ang mga confrontation scenes nila ni Angel, walang nangyaring sapawan sa pag-arte at naging balanse.  Dito ipinakita ni Maja na handa na siya sa mas matured roles tulad nito.

Maja Salvador


 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

December 2013, nang ihayag ni Maja na siya ay pumirma ng recording contract sa ilalim ng  Ivory Music & Video.  Sa kasalukuyan ay nakalabas na ang kanyang unang album na “Believe”.  Masayang-masaya at feeling blessed  si Maja dahil maganda ang takbo ng kanyang career at lovelife.
Hindi matatawaran ang hirap, pagod, at dedikasyon na ibinigay ni Maja sa kanyang piniling larangan.  Ang kanyang pagtitiyaga ay napalitan ng tagumpay.  Yan si Maja, tatak Salvador!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *