Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Travel

Surprising Ways to Enjoy Sauna and Onsen

Ang Japan ay kilala sa buong mundo dahil sa pamosong onsen na matatagpuan sa mahigit na 2,500 na lugar sa buong Japan na nag-o-offer ng world class service at pasilidad.
Ang mga sauna facilities ay makikita sa hot spring establishments o sa mga public baths. Halos lahat ng Japanese bathing houses ay may magkahiwalay na sauna facilities para sa babae at lalaki. Normal na sa mga sauna na tumatanggap ng mga customers nang tuluy-tuloy. At dahil ang mga sauna ay puntahan ng mga tao dito ay pinapayuhang maglinis muna ng katawan bago pumasok sa loob ng seating area. Ang seating areas ay gawa sa kahoy na inuupuan. magdala ng basang tuwalya sa lugar na madidikitan ng inyong balat. Pagkatapos mag-sauna at mag-shower.

Paalala lamang ng mga namamahala ng sauna facilities at onsen na dapat ay hydrated (uminom ng maraming tubig bago at pagkatapos pumunta sa sauna o onsen) upang maiwasan ang dehydration dahil sa excessive na pagpapawis.

SPADUIM JAPON


Ang Spadium Japon, ay isa sa pinakamalaking natural hot spring parks sa siyudad ng Tokyo. Ang ipinagmamalaking 15 onsen sa loob nito ay sadyang kabigha-bighani at ang nakaka-relax na hot spring na may minerals na nagbibigay-sustansya sa balat.

May15 klase ng hot springs at saunas na mapapagpilian ng mga guests. Mula sa loob at labas ng pasilidad ay hindi ka mawawalan ng option para i-enjoy ang therapuetic session sa loob ng pasilidad na ito. Bukod sa hot spring ay may mga food at beverages din na ino-offer sa lounge area ng facility.

Address: Tokyo-To, Higashi-Kurume-Shi, Uenohara 2-7-7
Tel: 042-473-2828
Business hours: Weekdays, 9:00 a.m. to midnight;
Weekends, 8:00 a.m. to midnight
Regular holiday: Open year-round
Official website: https://spajapo.com/

MUD OF DEAD SEA, SALT SAUNA – FLOAT IN THE DEAD SEA


Kakaibang sauna sa Japan. Ito ay matatagpuan sa Wakayama Prefecture ng Kansai. Ang makikita sa hot spring na ito ay Dead Sea Doronko Salt Sauna. Ang kauna-unahang Dead Sea sa Japan. Ang resort at spa ay nag-o-offer ng iba’t ibang klase ng therapy sa kanilang rehiyon. Mae-enjoy ng mga guests ang tinatawag na therapeutic mud habang nakababad sa ilalim ng araw at may Dead Sea couple spa treatment din para ma-enjoy ang pinaka-best wellness sa buong mundo.

Address: Wakayama-Ken, Wakayama-Shi, Minato 20
Tel: 073-426-2641
Business hour: 6:00 p.m~night, 3:00 a.m. reception is open until night 2:00 a.m.
General bathing: 12:00 p.m.-12:00 midnight
Regular holiday: No Holiday
Official website: http://www.yunavi.net/sento/yubath_wakayama

TAKABAN-NO-YU (GAKUGEI DAIGAKU/SHIBUYA)


Ang Takaban-no-Yu ay may 2 regular baths, 6 na jacuzzi-type baths, a cold bath, at 2 different saunas na pwede kang mag-relax. Sa 2 regular baths, isa ay nasa rooftop para ma-enjoy ang paligid ng nature habang ikaw ay nakababad sa tubig. Ang jets sa jacuzzi-type baths ay malakas, perpekto para ma-relax katawan. Ang sauna naman ay may dry high temperature na 90-100C para pagpawisan at matanggal ang stress at ang salt sauna na mainam para balat. Sa murang halaga ay mae-enjoy mo ang super public bath na ito.

Address: Tokyo-To, Meguro-Ku, Takaban 2-2-1 (Nearest Station: Gakugei Daigaku Station)
Tel: 03-3713-1005.
Weekday business hours: 3:00 p.m. to 12:30 a.m.
Weekend business hours: 2:00 p.m. to 12:30 a.m. (*front desk closes at midnight)
Closed: Fridays, Third Thursday
Official website: https://www.takaban-yu.com/

KOUSO-YOKU EN


Matatagpuan sa sentro ng Yokohama ang Enzyme Bath Yokohama Store. Ang enzyme bath shop na gumagamit ng cypress powder na direktang nagmumula sa Mt. Yoshino sa Nara upang magbigay ng warm fermentation. Ang relaxing area sa ikalawang palapag na napapaligiran ng nakaka-relax na amoy ng forest na nagre-refresh ng inyong isipan at katawan mula sa pang araw-araw na pagod na kadalasang nauuwi sa fatigue at stress. Ang warm bath method na gumagamit ng init ng fermentation mula sa microorganism ng nature. Lulubog mo ang iyong katawan sa isang bathtub na may cypress powder at i-relax ang buong katawan. Ang enzyme bath ay popular sa mga beauty and health enthusiasts.

Address: Kanagawa-Ken, Yokohama-Shi, Nishi-Ku Okano 1-11-2
Tel: 045-534-8856
Business hour: 10:00 a.m. to 9:30 p.m. (Last Entry 8:00 p.m)
Regular holiday: Closed irregular
Official website: https://kousoyoku-en.com/en-yokohama

RAKU SPA GARDEN


Ang hot spring na nagbibigay ng maraming nutrients para sa kasaganaan ng inyong katawan at ma-relax ang inyong isipan. Ang spring quality ng tubig ay alkaline (hypotonic, alkaline, low hot spring) at ang hot spring quality na karaniwan sa hot spring sa Japan. Mayroon silang bath na may air bubbles na tinutunaw sa mainit na tubig. Iba’t ibang klase ng paliguan ang matatagpuan na nagbibigay ng enjoying at healing effect.

Address: Aichi-Ken, Nagoya-Shi, Meito-Ku, Heiwagaoka 1-65-2
TEL: 052-769-1126
Business hour: Monday-Thursday, Sunday and public holidays
9:00-2:00 the next day (last reception next day 1:00)
Friday, Saturday and the day before holidays
9:00-the next day 8:00 (last reception next day 1:00)
Morning Bath Saturdays, Sundays, and holidays
5:00-8:00 (last reception 7:30)
Official website: https://rakuspa.com/nagoya/