Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Sumampal sa isang traffic enforcer, kakasuhan ng MMDA

Kamakailan lamang ay lumabas ang video ng isang sinitang lalaki na sinampal-sampal ang isang traffic enforcer na si Saturnino Fabros sa kanto ng Capitol Hills Drive at Tandang Sora noong Sabado. Ang nasabing video ay kumalat na sa ilang social networking sites na umani na negatibong pagtuligsa sa maling asal ng lalaki na kinilalang si Robert Carabuena. Ayon kay Atty. Yves Gonzales, kakasuhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) Traffic Discipline Office si Carabuena ng direct assault sa Quezon City Prosecutor’s Office. Inilahad naman ni Fabros na una niyang itong karanasan at halos mangiyak-iyak na ito dahil sa hiyang inabot nito sa publiko. (Abante)