Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Robredo, masusing hinahanap matapos ang biglaang pagkawala

Pinangunahan ni Pangulong Aquino ang paghahanap kay Sec. Jesse Robredo, isa sa pinakamalakas na miyembro ng Gabinete at ang kalihim ng Department of Interior and Local Government. Huling namataan ang helicopter na sakay nito sa may bandang Masbate ngunit sa kasamaang palad ay tanging ang kaliwang pakpak lamang ng helicopter ang nakita gamit ang sonar equipment. Kasama ni Pangulong Aquino sa paghahanap si Transport Secretary Mar Roxas at buong pwersa ang administrasyon sa paghahanap kay Robredo. Nagpadala ito ng 25 sasakyang pandagat na nagmula sa Philippine Coast Guard, Navy, Air Force, Philippine National Police at sa lokal na pamahalaan. Sa isang panayam kay Roxas, aniya ay ginagawa nila ang lahat upang mahanap ang nawawalang kalihim. (Philippine Daily Inquirer)