Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Suam na Mais

Sangkap:
  • 500 g hita ng manok at hiwain sa maliit na piraso
  • 4 mais
  • 100 g baby spinach
  • 1 litrong chicken stock
  • 2 tasang tubig
  • 1 maliit na puting sibuyas, tadtarin
  • 4 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliit
  • patis
  • paminta
  • mantika
Paraan:
  1. Hilamusan ng asin ang manok at itabi sa loob ng 15 minuto.
  2. Gamit ang kutsilyo, alisin ang kernel sa corn cob at itabi ito pati ang cob.
  3. Sa kaserola, igisa ang bawang at sibuyas.
  4. Ilagay ang manok at haluin hanggang ang kulay ay maging brown.
  5. Ibuhos ang chicken stock at tubig, ihalo ang cob ng mais at pakuluin, alisin ang kung anumang dumi na papaibabaw sa kumukulong stock. Hayaang kumulo sa loob ng 25 minuto at itabi.
  6. I-drain ang sabaw sa isa pang kaserola.
  7. Himayin ang nalutong chicken at ihalo sa sabaw at mais.
  8. Pakuluin at hayaang kumulo sa loob ng 15 minuto. Magdagdag ng tubig kung kinakailangan.
  9. Patayin ang apoy at saka idagdag ang spinach.
  10. Lasahan ng patis at paminta.

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net