Lemon and Rosemary Roast Chicken
Sangkap:
- 3 malalaking hita ng manok, may balat
- 2 malaking sibuyas, hiwaing makaapat
- 1 lemon, hiwain
- 2 kutsarang rosemary
- juice mula sa 1 lemon
- 4 kutsarang tinunaw na butter
- 4 piraso ng bawang, pitpitin at hiwaing maliliit
- 2 kutsaritang chilli flakes
- paminta
- asin
Paraan:
- Sa isang maliit na mangkok, pagsamahin ang rosemary, lemon juice, melted butter, garlic, chilli flakes, paminta at asin.
- Hilamusan ang manok ng mga pinagsamang spices at ilagay sa baking tray at ibuhos ang natitirang sauce sa ibabaw ng manok.
- Ilagay ang sibuyas at lemon sa baking tray kasama ng manok at ilagay sa oven na pre-heated sa temperaturang 190C at i-roast ang chicken sa loob ng 1 oras.
- Kapag luto na ay tanggalin mula sa oven at ihain kasama ang paboritong side dish.
Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net