Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Storm Signal No. 2, itinaas na sa 16 na probinsya

Kahapon ay nasa Storm Signal No. 1 lamang ang labing-anim na probinsya sa Hilagang Luzon ngunit ngayon ay itinaas sa No. 2 sa mga lalawigan ng Cagayan, Calayan Group of Islands, Babuyan Group of Islands, Isabela, Northern Aurora, Quirino, Nueva Vizcaya, Benguet, Igugao, Mountain Province, Ilocos Sur, Apayao, Kalinga, Ilocos Norte, Abra at Batanes Group of Islands. Samantalang nasa Storm Signal No. 1 naman ang Nueva Ecija, Pangasinan, Tarlac, La Union at ang ilang bahagi ng Aurora. Patuloy pa rin ang babala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa mga nakatira sa kabundukan na mag-ingat at lumikas na sa posibleng landslides at flashfloods at iwasan munang mangisda dahil maaring makaranas ng storm surge at malalaking alon. (Philippine Daily Inquirer)