Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Repormista bilang susunod na Punong Mahistrado

Hindi sinuportahan ni Pangulong Aquino ang impeachment case na inihain kay Dating Chief Justice Renato Corona dahil iba ang nasa isip nito. Sa halip na impeachment, naghanap agad ito ng maaring humalili sa kanya. Ayon kay Budget Secretary Florencio Abad Jr., dating tagapayo ng pangulo, na naghahanap ito ng repormista na may integridad at kakayahan maipatupad ang mga “reform agenda” na inihain ng Pangulo. Dagdag pa ni Abad na baka makapili na ang Pangulo ng  bagong Punong Mahistrado sa ika-27 ng buwan. Samantalang patuloy pa rin ang sentimyento ni Justice Secretary Leila de Lima sa pagkakatanggal ng kanyang pangalan sa listahan ng mga nominado. (Philippine Daily Inquirer)