Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Stir Fried Bean Sprouts and Tofu (Gisadong Togue)

Sangkap
  • 400g bean sprouts ( toge)
  • 1 malaking tokwa, hiwaing pakuwadrado at i-prito
  • 1 tasang maliit na hipon
  • 1 malaking carrot, hiwaing manipis at pahaba
  • 1 katamtamang laki ng sibuyas, hiwaing manipis
  • 3 piraso ng bawang, pitpitin at hiwang maliit
  • 1/4 tasang chicken stock
  • asin
  • paminta
  • 1 kutsaritang asukal
  • 1 kutsarang sesame oil
  • mantika
Paraan
  1. Sa kawali, ilagay ang mantika at igisa ang bawang at sibuyas.
  2. Ihalo ang carrots at hipon. Haluin ng 2 minuto sa malakas na apoy.
  3. Ihalo ang piniritong tokwa, bean sprouts (toge), asukal at sesame oil. Haluing maigi at lutuin sa loob ng 1 minuto. Idagdag ang sabaw ng chicken at pakuluin sa loob ng 1 minuto.
  4. Lasahan ng asin at paminta.

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net