Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

Starscope for the Month of September 2020

Aries (March 21-April 19)
Taurus (April 20-May 20)
Gemini (May 21-June 21)
Cancer (June 22-July 22)
Leo (July 23-August 22)
Virgo (August 23-September 22)
Aries (March 21-April 19)

LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Powder Blue
LUCKY NOS: 27, 35, 37
May mga pagkakataon ang isang desisyon ay dapat panindigan. Ito ay isa sa maganda mong katangian. Ipagpatuloy ang ganitong pag-uugali. Manindigan sa bawat desisyon para maging magaan ang lahat para sa iyo.

Taurus (April 20-May 20)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Orange
LUCKY NOS: 11, 27, 39
Minsan hindi maiiwasang mahusgahan ng kapwa. Maaaring sa kanila ay mali ang iyong ginagawa pero ikaw pa rin ang masusunod, sa kung ano ang desisyon mo. Tama o mali basta hindi ikasasama ng iyong sarili ay ituloy mo. Iwasan makinig sa sabi-sabi sa paligid para maging magaan ang takbo ng buhay mo.

Gemini (May 21-June 21)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Yellow
LUCKY NOS: 2, 7, 39
Laging tatandaan na kung ikaw ay wala nang matatakbuhan ay laging may handang tumulong at ito ay ang iyong mga magulang. Ang magulang na laging matatakbuhan sa panahon ng iyong kagipitan. Sa mga oportunidad naman ay dapat maging maagap ka para hindi ito makaalpas.

Cancer (June 22-July 22)

LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Green
LUCKY NOS: 39, 40, 42
Magpasalamat lagi para sa iyong magandang kalusugan. Ingatan ito at huwag abusuhin ang iyong katawan. Likhang may signos ka sa matutulis na mga bagay kaya marapat na umiwas para hindi ka malagay sa kapahamakan.

Leo (July 23-August 22)

LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Red
LUCKY NOS: 4, 5, 32
Kung anuman ang balak na lalakarin ay mainam na ituloy ngayon dahil positibo naman ang magiging resulta. Kung ikaw ay may pinahiram ay sigurado itong mababayaran sa iyo at sa negosyo naman ay magiging positibo basta maging matiyaga. Umiwas ka lamang sa sugal dahil hindi ito swerte para sa iyo.

Virgo (August 23-September 22)

LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Moss Green
LUCKY NOS: 23, 33, 42

Ang buhay pag-ibig ay masigasig, ang paglago ng career ay magiging mabuti sa tulong ng mga kasamahan, ang pananaw sa pananalapi ay magiging mahusay. May namumuong tensyon mas magandang umiwas at manahimik, ito ang pinakamabisang depensa kapag may ganitong pangyayari. 

Libra (September 23-October 23)
Scorpio (October 24-November 21)
Sagittarius (November 22-December 21)
Capricorn (December 22- January 19)
Aquarius (January 20-February 18)
Pisces (February19-March 20)
Libra (September 23-October 23)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Beige
LUCKY NOS: 17, 36, 44
Masaya ka dahil ang buhay pag-ibig mo ang siyang nagbibigay ng kinang sa iyong mga mata at nagbibigay sigla sa iyong paligid. Parang kulay rosas. Pero bago yan ay siguraduhing mapagkakatiwalaan ang iyong napupusuan para hindi ka magsisi sa bandang huli.

Scorpio (October 24-November 21)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Jade Green
LUCKY NOS: 4, 24, 34
Alam mo ang iyong sarili. Alam mo ang kapasidad mo at kaya mo itong i-control. Para makaiwas sa kung anumang napipintong problema, mas makakabuting umiwas. Kung may narinig, huwag nang magsalita pa para makaiwas sa kung anumang pagkakamali.

Sagittarius (November 22-December 21)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Brown
LUCKY NOS: 8, 9, 39
Sa panahon ngayon ay nagkalat ang mapagsamantalang tao. Maging maingat para hindi ka mapahamak. Ang mga miyembro ng pamilya ay makakatulong sa pag-unlad ng iyong buhay. May magandang kita sa pananalapi at ang sobrang pera ay maaaring mag invest.

Capricorn (December 22- January 19)

LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Lilac Pink
LUCKY NOS: 14, 17, 39,
Isang kaibigan o kamag-anak ang kailangan ng tulong pinansyal. Kung ano ang ipinunla ay siyang aanihin. Ang propesyon mo ang pangunahing mapagkukunan ng iyong kita. Ang pagiging single mo ay madaling magmahal agad.

Aquarius (January 20-February 18)

LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Burgundy
LUCKY NOS: 9, 27, 33
Huwag magmukmok. Mag-enjoy ka. Kung anuman ang iyong suliranin ay malulutas din ito. Harapin ang problema at huwag pagtaguan. Tatagan ang sarili dahil magkakaroon din ng solusyon ito. 

Pisces (February19-March 20)

LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Indigo
LUCKY NOS: 1, 4, 35

Maligaya ang kapaligiran ng pamilya. Ang iyong career prospect ay suportado ng mga miyembro ng pamilya at ng social networking mo. Laging tatandaan na kahit anong bagay na kapag nasobrahan ay hindi nagiging maganda ang resulta. Ilagay sa tamang lugar ang lahat para walang pagsisihan.  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *