Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

Starscope for the Month of May 2021

Aries (March 21-April 19)
Taurus (April 20-May 20)
Gemini (May 21-June 21)
Cancer (June 22-July 22)
Leo (July 23-August 22)
Virgo (August 23-September 22)
Aries (March 21-April 19)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Blue
LUCKY NOS: 23, 46, 39, 11, 55

Ang tagumpay na matagal mo nang hinihintay ay parang kidlat na darating sa iyo at ituloy mo lang ang magandang ginagawa mo para magtuluy-tuloy din ang iyong kaligayahan lalo na ang iyong pamilya. Ang negosyo ay lalago pa kaya ingat sa mga desisyon para mas lalong umunlad ito.

Taurus (April 20-May 20)

LOVE: ****
LUCK: ****
MONEY: ****
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Brown
LUCKY NOS: 46, 59, 12, 21
Dahil sa maganda at maayos ang iyong pakiramdam, ang lahat ng gawain ay mabilis na magagawa at matatapos. At dahil dito ay mas lalapit sa iyo ang swerte, dahil sa iyong sipag at tiyaga sa buhay.

Gemini (May 21-June 21)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Green
LUCKY NOS: 26, 58, 13, 41
Sa lahat ng pagkakataon, ang isang bagay o proyektong pinagtutulungan ay maganda ang kinalalabasan. Kaya iwasan ang kumilos ng nag-iisa lang dahil hindi ka magtatagumpay. Matutong makipag-cooperate para lahat ng proyekto ay magkaroon ng katuparan.

Cancer (June 22-July 22)

LOVE: ***
LUCK: ****
MONEY: ****
LO-VIBE DAY: Sunday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Chocolate Brown
LUCKY NOS: 33, 26, 49, 14
Magaan ang iyong kalooban dahil nalaman mo ikaw ay pinakakatiwalaan. Ang pagbibuild-up ng iyong credit at pagbabayad ng dapat bayaran ang nagbigay sa yo ng pagtitiwala mula sa mga credit card companies. Lahat ng bagay na pinaghirapan ay magkakaroon ng achievement kaya ipagpatuloy mo lang ang mabuting gawain.Leo (July 23-August 22)

Leo (July 23-August 22)

LOVE: ****
LUCK: ****
MONEY: ****
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Lilac Pink
LUCKY NOS: 53, 46, 28, 11
Lalawak ang iyong oportunidad para sa iyong kaalaman o skill. Gagamitin mo ang mga connections mo para makahanap ka ng bagong business ventures at pagyamanin ito para sa iyong hinaharap sa buhay.

Virgo (August 23-September 22)

LOVE: ****
LUCK: ****
MONEY: ****
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Violet
LUCKY NOS: 23, 36, 49, 51
Hindi tama ang magkimkim ng sama ng loob. At isa ka sa mga taong ganuon. Kailangan mo itong ilabas para makapag-move on ka. Kalimutan ang nakaraan at harapin ng may positibong pananaw ang kasalukuyan at kinabukasan. Sa malao’t madali ay makikita mo ang swerteng hinahanap mo, maging sa negosyo o sa lovelife.

Libra (September 23-October 23)
Scorpio (October 24-November 21)
Sagittarius (November 22-December 21)
Capricorn (December 22-January 19)
Aquarius (January 20-February 18)
Pisces (February 19-March 20)
Libra (September 23-October 23)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Cherry Red
LUCKY NOS: 46, 58, 12, 41
Iwasan ang magbisyo. Hindi mo magagawa ang dapat gawin kung ikaw ay nagbibisyo. Laging tandaan, hindi masamang magbisyo kung ito ay paglilibang lamang. Lahat ng sobra ay hindi tama at magdudulot lamang ito ng kabiguan. Magsipag at ituon ang pansin sa mas mabuting pagkakalibangan.

Scorpio (October 24-November 21)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Pearl White
LUCKY NOS: 23, 36, 49, 55
Huwag mag-focus sa puro problema dahil lalo ka lang made-depress. Paminsan-minsan ay maglibang at mag-isip ng positibong bagay para malampasan ang lahat na ito. Lilipas rin ito at ikaw ay muling makakatayo. Walang problemang hindi nare-resolba lalo pa’t kung hindi mo ito masyadong didibdibin.

Sagittarius (November 22-December 21)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Moss Green
LUCKY NOS: 43, 37, 59, 12
Huwag masyadong mag-aalala sa iyong kinabukasan, dahil lahat ng pagkakataon ay aayon sa iyo. Maraming darating na magagandang blessing sa iyong buhay kaya easy ka lang at huwag mainip.

Capricorn (December 22-January 19)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Sunday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Bloody Orange
LUCKY NOS: 46, 29, 53, 13
Sa dami ng iyong pinagkakautangan, siguradong tuliro ka na kung paano mo ito mababayaran. Huwag kang mag-aalala dahil darating na ang oportunidad para sa ikauunlad ng iyong buhay at lahat ng utang ay mababayaran rin. Aangat ang iyong career kaya dapat maging positibo.

Aquarius (January 20-February 18)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Orange Yellow
LUCKY NOS: 26, 49, 13, 33
Kung ikaw ay magiging mababang loob, makakaakit ka ng swerte at magandang oportunidad para mapaunlad ang iyong buhay. Iwasan lamang ang mga taong mapanadya dahil walang buting idudulot ito kundi kapahamakan.

Pisces (February 19-March 20)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Burgundy
LUCKY NOS: 43, 36, 39, 16
Huwag kang basta-basta magpapadikta sa udyok ng mga nakapaligid sa iyo. Iwasan mo ang magpadikta dahil hindi mabuti ang kahihinatnatan nito. Matutong mag-desiyon sa sarili at siguruhing pinag-isipang mabuti bago mag-desisyon.