Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Miscellaneous

Popular Snacks and Sweets in Japan Festival

Taun-taon (exception noong nakaraang taon at baka may pagbabago rin sa taong ito dahil sa Covid-19), kapag dumarating ang Japanese Matsuri festival ay iisa ang iniisip ng mga tao o mga spectators o bisita, pagkain. Bukod sa pagkain ay marami ring masasaksihang parada pero mas nakatuon ang iba sa iba’t ibang makukulay at masarap na pagkain na ino-offer ng iba’t ibang stalls o vendors.

Ang mga festivals na kadalasan nasasaksihan naman sa buong taon sa Japan ay nag-ooffer ng mga pagkain sa iba’t ibang stalls kung saan ikaw ay makakapamili mula sa fried foods, grilled foods maging ang snacks at desserts na sadyang nagbibigay kasiyahan sa lahat sa tuwing may ganitong festival.

Ang festivals na ito kung saan ginaganap sa iba’t ibang shrines at temples at ibang venue sa buong taon sa iba’t ibang karatig pook sa Japan. Ang masasarap na lutuin na nag-eengganyo sa mga bisita upang ma-enjoy ang lugar sa murang halaga lamang.

MATSURI FOOD

Japanese famous street food, takoyaki in hot pan


1. Takoyaki – hugis bilog na snack na gawa sa flour batter at octopus. Ito ay niluluto mismo sa harapan ng mamimili at kadalasan ay makakapamili ka ng gusto mong toppings at sauce na kadalasan ay brown sauce, mayonnaise, bonito flakes at dried seaweed. Ang takoyaki ay nag-originate sa Osaka na ngayon ay kinagigiliwan na sa buong Japan.

Yakisoba

2. Yakisoba – ito ay fried noodles na maraming sangkap tulad ng pork, cabbage, carrots, at onions. Ang seasoning na ginagamit dito ay Worcestershire sauce. Kapag may mga festivals ay lagi mong makikita sa iba’t ibang stalls ang yakisoba dahil isa na itong maituturing na classic festival snack.

Special Grilled fresh squids in open market of Thailand

3. Ikayaki – grilled squid ang tawag dito. Buong pusit na inihaw ay nilagyan ng soy sauce para malasa at hinihiwa parang rings pagkatapos maluto. Bukod sa inihaw na pusit ay may isa pang klaseng pagluluto rito. Ilulubog sa flour batter at iluluto sa mantika. Ito ay masarap na kinakain kapag may beer.

japanese grilled corn, Ennichi and Food Stalls of Japan festival

4. Yaki Tomorokoshi – Grilled Corn on the Cob ay kadalasang nilalagyan ng soy sauce para mas malinamnam ang lasa at pagkaluto ay pinapahiran ng butter na mas lalong nagpapatingkad sa lasa nito lalo pa’t kung sweet corn ang iniluluto. Dito malalasahan ang kakaiba o unique taste kapag naluto na.

cooking okonomiyaki in local restaurant on teppanyaki pan. delicious Japanese hot plate pizza with green vegetable and sauce on it surrounding by smoke on iron plate indoor.

5. Okonomiyaki – Ito ay isa sa ipinagmamalaking Japanese pancake lalo na sa ganitong mga festivals. Hugis bilog (flatten) ang pagkakaluto na ang sangkap ay repolyo, karne, seafood na pinaghalo sa flour batter at saka iniihaw. Nilalagyan sa ibabaw ng Worcester sauce, mayonnaise, at dried green seaweed.

Yakitori, Grilled chicken skewersYakitori, Grilled chicken skewers

6. Yakitori – ito ay manok na nakatuhog sa skewer na parang barbecue. Thigh meat, breast na may spring onion, at meatballs (chicken) ang kadalasang klase ng yakitori na nakikita sa festival. Asin o soy sauce ang nagpapalasa sa yakitori na sadyang kinagigiliwan ng mga spectators. Ang yakitori ay madalas na makikita sa tabi ng kalye at sa iba’t ibang lugar na pinagdarausan ng festivals.

Bukod sa mga festival foods na ito ay mayroon din siyempre silang ino-offer na sweets;

MATSURI SWEETS

1. Candy Apple – Ringo ame ay buong mansanas na ibinalot sa syrup o hard candy at nakatusok sa stick. Kinagigiliwan ng mga kabataan lalo pa’t kung sa panahon ng matsuri o maging sa panahon ng taglagas kung saan napapanahon ang apples.

2. Taiyaki – “grilled sea bream” o sea brim (hugis isda) na cake na may filling na matamis na bean paste. Fresh na ginagawa gamit ang regular pancake o waffle batter at ibinubuhos sa isang fish-shaped mold na niluluto sa magkabilang side. Popular rin na filling ng taiyaki ay ang custard cream, chocolate, sweet potato cream, at iba pang flavors.

Food stand selling cotton candy in a carnival

3. Cotton Candy – Wata-ame ay common nang nakikita sa mga festival sa Japan sa buong taon. Kinagigiliwan ng mga kabataan at may edad.

chocolate-covered banana

4. Chocolate-Covered Banana – Madalas ring nakikita sa festivals ng Japan na tulad ng candy apple. Ang saging na nababalot sa chocolate syrup at kadalasan ay nilalagyan ng edible sprinkles para maging mas yummy tignan.

flickr.com/momo___

5. Sweet Potato Sticks – Maliit na piraso ng sweet potatoes na ginawang croquettes na nababalutan ng sauce. Ang sweet potato sticks ay nagmula sa Osaka kaya hindi masyadong nakikita sa Tokyo. Ang Japanese sweet potatoes ay naiiba dahil ito ay mas healthy dahil minsan, iniluluto nila ito na walang asukal o konti lang ang inilalagay na asukal para mas lumabas ang totoong flavor nito. Ang sweet potatoes din ay nagtataglay ng vitamins at fiber kaya healthy itong kainin.

A hand made rolled crepe filled with strawberries, chocolate and whipped cream sold on Takeshita Street in Harajuku, Tokyo in Japan.

6. Crepe – Ito ay isa pang karaniwang pagkain sa pagdiriwang sa Japan. Ang crepe ay isang pancake na gamit ang isang cast-iron griddle at pinalalamanan ng matamis na creme at iba’t ibang klase mga prutas at nilalagyan ng chocolate syrup sa ibabaw,  tinitiklop ito at binabalot sa papel para mahawakan pagkinakain.

Note: Paalala na dapat huwag pa rin kalimutan ang pag-iingat. Laging magdala ng sanitizer, gloves, alcohol, at face mask.