Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

Starscope For The Month Of May 2019

Aries (March 21-April 19)
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Blue
LUCKY NOS: 5, 23, 41, 44
Maging organisado sa lahat ng iyong mga plano sa trabaho  o sa tahanan man. Ito ang magiging guide mo para matapos mo kung anumang nakabinbing mga gawain sa araw-araw.

TAURUS: (April 20-May 20)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Orange
LUCKY NOS: 7, 17, 27, 3
May isang kaibigan na lalapit sa iyo at iyong tutulungan. Maging kalmado at huwag maging aburido sa tahanan at sa trabaho. Iwasan ang mga bagay na nagbibigay ng stress, para magiging masigla ang iyong buong araw.

Gemini (May 21-June 21)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Violet
LUCKY NOS: 11, 22, 33, 41
Panatilihing maaliwalas ang pag-iisip at positibo para maitaboy ang anumang negatibo sa kapaligiran. Magpasalamat sa mga grasyang natatanggap at bigyang panahon ang mga taong malapit sa iyo. Ito ang magpapagaan sa iyong kalooban.

Cancer (June 22- July 22)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: White
LUCKY NOS: 7, 11, 19, 33
Maso-sorpresa ka sa pagdating ng isang bisita na matagal mo nang hindi nakikita. Pagtuunan ng panahon ang negosyong itinayo upang maging successful ito. Huwag mahiyang humigi ng tulong sa kamag-anak at matutong makinig, dahil ang payo nila ang magbibigay kagaanan ng iyong loob.

Leo (July 23- August 22)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Tangerine
LUCKY NOS: 9, 15, 25, 33
Panatilihing malusog ang iyong pangangatawan upang maiwasan ang pagkakasakit. Gawing therapy ang pagiging masayahin. Ang pagiging positibo at masayang pananaw sa buhay ay mainam sa iyong pangangatawan bukod sa tamang ehersisyo.

Virgo (August 23- September 22)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Blue
LUCKY NOS: 5, 13, 17, 33
Hindi ka man masuwerte sa pag-ibig, pero magiging swerte ka naman sa ibang bagay. Magtiyaga upang makamtan ang kahilingan sa darating na panahon. Ang pagiging mabuti sa kapwa ang siyang makakaakit ng swerte. Lagi mong tatandaan na hindi ka dapat mahiya kung anuman ang iyong pinanggalingan. dahil ito ang sukatan at challenge para marating ang iyong minimithi.

Libra (September 23-October 23)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Fuschia Pink
LUCKY NOS: 14, 19, 24, 41
Panatilihing malusog ang pangangatawan. Maging magandang ehemplo, dahil may malaking impact itong magagawa sa kapwa, sa pamamagitan ng encouragement,  determinasyon at tagumpay sa anumang kanilang pinagdaraanan.

Scorpio (October 24- November 21)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Indigo
LUCKY NOS: 25, 31, 33, 47
Ang mga mapanirang tsismis ay hindi magpapatinag sa  iyong pagkatao. Ang mabuting hangarin sa pagtulong sa kapwa ang magbibigay sa iyo ng good vibes. Ang taong iyong natulungan ang siya ring tutulong sa iyo sa panahong ikaw naman ang nangangailangan ng tulong. Huwag pansinin ang mga tsimis, dahil inggit lang sila sa iyo.

Sagittarius (November 22 -December 21)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Green
LUCKY NOS: 6, 21, 41, 18
Kung ang iyong kasintahan ay isang foreigner, pag-aralan ang kanilang lengguwahe upang magkaroon ng mas malalim na unawaan ng inyong pagmamahalan. Alagaan ang kalusugan at mag-focus sa healthy living. May malaking tsansa na magkakaroon ka ng bagong oportunidad para sa pang araw-araw na pangangailangan.

Capricorn (December 22- January 19)
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Peach
LUCKY NOS: 11, 19, 22, 29
Kung may kwestyunableng transakyon, maging maagap at magtanong kung ito ay tungkol sa pananalapi. Walang mawawala kung ikaw ay magtatanong upang maiwasan ang kung anumangt kumplikasyon sa hinaharap kesa sa magsawalang kibo. Maging masinop sa iyong kagamitan para makaiwas sa pagkawala ng mahalagang bagay.

Aquarius (January 20- February 18)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Sapphire Blue
LUCKY NOS: 5, 16, 41, 1
Alagaan ang kalusugan. Kahit marami kang salapi, kapag marami kang nararamdaman ay hindi rin magiging masaya. Huwag magpabaya, sikapin magamit ang bawat oras sa makabuluhang bagay. Iwasan ang tsismis at mga tsimosa.

Pisces (February 19- March 20)
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Sunday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Cherry Red
LUCKY NOS: 3, 17, 33, 49
Ang iyong talento ay dapat ibahagi sa madla at huwag itago dahil ito ang magbibigay sa iyo ng magandang kinabukasan. Maging mapagtimpi dahil ang pagiging mapusok ang siyang sisira sa iyo.