Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

STARSCOPE FOR THE MONTH OF MARCH 2015

ARIES (Marso 21- Abril 19)
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Brown
LUCKY NOS: 20, 27, 39, 43

Ayusin ang kung anumang problema ukol sa iyong lovelife dahil kung ito ay hindi bibigyang halaga at pababayaan, malamang na mauwi sa hiwalayan. Iwasan na magkaroon ng alitan. Pag-aralan ang gagawing desisyon bago sumang-ayon o gawin.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Mint Green
LUCKY NOS: 2, 16, 23, 31

Kung ikaw ay may suliranin, huwag mahiyang humingi ng tulong sa iyong kamag-anak dahil sila ang maaaring makatulong sa iyo. Makinig at sundin ang payo. Kung selos ang ugat ng hindi pagkakaunawaan, hahantong nang matagal ang pagbabati kung hindi agad maaayos.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Sky Blue
LUCKY NOS: 8, 16, 27, 37

Magkakasamaan ng loob ang magkasintahan dahil sa selos. Walang dulot na kabutihan kung makikipagmatigasan. Masisira ang relasyon nang walang mabigat na dahilan, kung pride ang paiiralin. Magpakumbaba.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: White
LUCKY NOS: 3, 20, 27, 31

Kapag may tiyaga ay may nilaga. Huwag mawalan ng pag-asa kung hanggang ngayon ay walang trabaho o nangyayari sa buhay. Makakahanap din ng trabaho kung matiyaga at magtitiwala sa sarili. Sipag at tiyaga ang kailangan para magtagumpay.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22)
LOVE: ****
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Sunday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Beige
LUCKY NOS: 4, 18, 24, 41

Walang dapat ipag-alinlangan sa minamahal dahil tapat ito sa iyo. Kung may duda, iwaglit dahil nagkakamali ka. Tuklasin muna bago magdesisyon at huwag magpadalus-dalos na maaaring humantong lamang sa mas malalang sitwasyon.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Green
LUCKY NOS: 5, 11, 29, 38

Huwag pilitin ang sarili kung may duda dahil kapahamakan ang aabutin. Ang sobrang pagpapagod ay walang kahahantungan maganda at wala ring gawaing matatapos. Magpahinga para manumbalik ang enerhiya ng kasiglahan.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Orange
LUCKY NOS: 10, 23, 36, 42

Kung tapat ang hangarin, ituloy dahil magtatagumpay. Walang dapat ipangamba kung malinis ang intensiyon. Kung nasa isip ay tama, ituloy. Naaayon ang makipagsosyalan o makihalubilo sa mga barkada.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Gray
LUCKY NOS: 8, 19, 27, 34

Huwag mahiyang magtanong kung hindi alam. Sa pagdudunung-dunu­ngan, kapahamakan ang mapapala. Kung may pagdududa, kumunsulta sa higit na nakakaalam. Huwag ituloy kung hindi tiyak ang kalalabasan ng gawain.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Red
LUCKY NOS: 7, 14, 28, 42

Aminin ang nagawang kasalanan. Huwag matakot na hindi mapatawad. Lalong sasama ang loob niya kung sa iba malaman ang nagawa. Ang tao ay may pagkakamali, ang mahalaga marunong tumanggap, magsisi at handang magbago.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19)
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Yellow
LUCKY NOS: 10, 24, 32, 41

Bumagsak man sa pasusulit, huwag pang­hinaan ng loob. Sa halip, ang nangyari ay hamon sa pagsisikap. Kulang ka sa handa kaya ugaliin ang maging palaging handa. Ang pagkakamaling nagawa ay isang leksiyon na hindi dapat maulit.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18)
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Pink
LUCKY NOS: 4, 23, 39, 44

Huwag mahiyang magsabi sa magulang na kailangan ng pera. Higit sa inaasahan, hinihintay lamang nila na magsabi ka at handang-handang ibigay ang tulong. Maaasahan ang suporta ng magulang at kaibigan.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Gray
LUCKY NOS: 5, 18, 25, 36

Isang kaibigan ang hihingi ng payo. Kahit masasaktan siya, hayaan lang para malaman niya ang totoo at mapagtanto ang kanyang pagkakamali. Maging tapat sa sarili at kapwa.