Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

STARSCOPE FOR THE MONTH OF FEBRUARY 2015

ARIES (Marso 21- Abril 19)
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Canary Yellow
LUCKY NUMBERS: 8, 9, 33, 42

Ang pagsisikap ang magbibigay sa iyo ng daan upang malutas ang sulirain sa kakapusan na matutugunan ng kaibigan o kamag-anak. Marami kang gustong bilhin subalit dahil sa kakulangan sa salapi ay hindi mo ito magawa. Unahin ang kailangan ng tahanan bago ang sarili.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Sunday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Moss Green
LUCKY NUMBERS: 6, 8, 29, 39

Iwasan ang tsismis. Umiwas sa hindi inaasahang panauhin dahil may dalang balita na makapagpapainit ng ulo o may kailangan na hindi kayang paunlakan o maibigay. Ang paglilinis sa kapaligiran, tahanan o pinapasukan ay magbibigay ng kasiyahan.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Baby Pink
LUCKY NUMBERS: 14, 20, 26, 33

Magpakahinahon, timbangin at pag-isipan nang mabuti bago magsalita o magdesisyon para hindi magkamali o makasakit ng damdamin ng kapwa. Isang matalik na kaibigan ang hihingi ng payo tungkol sa suliranin sa pag-ibig, pinansiyal o tungkol sa negosyo.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Orange
LUCKY NUMBERS: 15, 17, 23, 31

Huwag mainit ang ulo o maging emosyonal dahil tatambakan ka ng trabaho o makakarinig nang hindi maganda. Matiwasay na magagam­panan ang tungkulin kung iiwasan na maging emosyonal. Maipapakita ang kaalaman at husay na hahangaan ng kasamahan o ng boss kung maganda ang mood.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Ocean Blue
LUCKY NUMBERS: 14, 15, 32, 42

Kailangan ang disiplina sa sarili dahil magiging mainit sa pag-ibig at kung walang kontrol ay mapapahamak. Pag-isipan nang mabuti ang mga bagay bago magdesisyon. Huwag magpadalus-dalos. Posible na makatanggap ng balita na ikaliligaya o ikakalungkot.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23)
LOVE: **
LUCK:  ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Blue Sapphire
LUCKY NUMBERS: 19, 20, 24, 37

Magiging maswerte sa negosyo kung sisimulan kaagad. Malaki ang kikitain sa mga freelancing at buy and sell. Kung ano ang swerte sa negosyo, kabaliktaran ang mangyayari sa pag-ibig. Iwasan ang makipag-date dahil hindi magkakaunawaan.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: White
LUCKY NUMBERS: 4, 5, 33, 42

Ang makipag-isa sa tahanan maging sa mga kasamahan at kaibigan ay kaila­ngan para manatili ang harmony at magandang samahan. Ang hindi pagkakaunawaan ay madaling mahahanapan ng solusyon dahil magiging malambing at kabigha-bighani ang iyong pagkatao ngayon.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Aquamarine
LUCKY NUMBERS: 12, 17, 27, 37

Huwag ipagsawalang-bahala ang responsibilidad na nakasalalay dahil may nagmamatiyag. Harapin nang buong tatag at pananagutan ang ginawang desisyon maging ito ay tama o mali. Magdahan-dahan sa ginagawa o gagawin para maiwasan ang magkamali o madisgrasya.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Red
LUCKY NUMBERS: 14, 21, 33, 40

Iwasan na mag-init ang ulo. Maging mahinahon dahil may susubok ng iyong pagtitimpi. Iwasan ang palabiro at makantiyaw na tao para malayo sa gulo. Libangin ang sarili sa paggawa ng mag-isa o sa pamamasyal.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Sunday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Dollar Green
LUCKY NUMBERS: 13, 18, 28, 39

May gantimpala na naghihintay sa pagbibigay ng tulong sa tunay na nangangailangan. Ang serbisyong sibiko ay magiging pangunahin at gustong gawin. Kung mapaglalaanan ng panahon ay maisasakatuparan.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Beige
LUCKY NUMBERS: 12, 17, 22, 27

Ang gawain na hindi napapansin noon ay matatapos. Malakas ang magneto ng pakikipagsapalaran subalit ang masusing pag-aaral bago pumalaot ay kailangan para hindi magsisi. Ang panahon ng pagre-relax ay bagay para makapag-isip ng tamang solusyon sa problema.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Maroon
LUCKY NUMBERS: 19, 33, 37, 38

Tamang panahon ang pakikisalamuhang sosyal. Huwag palampasin kung may mag-aanyaya. May pagkakataon na makatagpo ang soulmate o twinflame. Kung isang Libra o Taurus ang makikilala hahantong ito sa pangmatagalang relasyon.