Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

STARSCOPE FOR THE MONTH OF JUNE 2018

Aries (March 21-April 19)

LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Jade Green
LUCKY NOS: 15, 19, 28, 33
Walang balanse ang buhay. Isipin at unahin ang mga importante. Sa oras na masimulan ang healthy lifestyle, mas magkakaroon ng direksyon sa pag-iisip. Kung sipag at tiyaga ang paiiralin walang paltos na makakamit ang minimithi.

Taurus (April 20-May 20)

LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Indigo
LUCKY NOS: 9, 24, 35, 41
Huwag ibuhos ang tiwala sa taong hindi pa lubusang kilala. Mag-explore ng mga bagong lugar. Mag-enjoy at magpakasaya. Ang maghangad ng kaunlaran ay matatamo kung buo ang loob at kalakip ang sipag, tiyaga at pagkilos. Tiyakin sa malinis na paraan nangaling ang ipapakain sa pamilya.

Gemini (May 21-June 21)

LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Electric Blue
LUCKY NOS: 8, 19, 37, 40
Magugulat sa mga balita. I-set ang priorities at ito ang sundin. Ang gagawing desisyon ay may bungang pipitasin. Kadalasan ang iyong kutob ay nagkakatotoo kaya kung may gustong gawin at iniisip mong maganda naman ang kahihinatnan nito ay ituloy.

Cancer (June 22- July 22)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Pink
LUCKY NOS: 8, 31, 34, 36
Mistulang sponge ang isip sa dami ng maa-absorb na impormasyon. Tiyakin na tama ang mga detalye para hindi malito sa totoo at pantasya. Mag-research para hindi magkamali. Maaaring makakilala ng taong makakatulong sa suliranin tungkol sa trabaho o personal na kailangan.

Leo (July 23 August 22)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Yellow
LUCKY NOS: 6, 12, 27, 38
Harapin ang tunay na problema. Kalmahin ang sarili para makaisip ng magandang solusyon. Kung itutuloy ang paglalakbay, may malaking pakinabang sa sarili o sa trabaho. Ang planong paglalakbay ay dapat isakatuparan. Iwasan ang mamasyal o maglakad ng walang mahalagang sadya.

Virgo (August 23 – September 22)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Green
LUCKY NOS: 1, 21, 29, 33
Huwag pahirapan ang sarili. Kung hindi natuloy ang plano, puwede pa ito sa ibang araw. Lahat ng signs ng pag-asenso ay nasa iyo na. Ituloy ang naumpisahan at dagdagan pa ang pagsisikap. Ang bawa’t taong makakausap ay nangangailangan ng paliwanag, kaya hinahon at pasensiya ang kailangan .

Libra (September 23-October 23)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Red
LUCKY NOS: 4, 23, 40, 42
Malakas ang iyong pakiramdam. Gamitin ang regalong ito sa mabuting paraan. Kahit na maraming suggestions na natatanggap, ang sariling desisyon pa rin ang mangingibabaw. Ang pag-ibig ay magdudulot ng kasiyahan, kagalakan, gaan ng damdamin at magandang pakiramdam.

Scorpio (October 24 – November 21)

LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Blue
LUCKY NOS: 5, 12, 33, 40
Mag-meditate. Mahihirapang huminga dahil sa tindi ng stress na mararanasan. Tulungan ang sarili na malagpasan ang stressful na bahagi na ito ng iyong buhay, pero pagkalipas nito ay babalik ang dating sigla at saya ng buhay.

Sagittarius (November 22 – December 21)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Sunday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: White
LUCKY NOS: 16, 19, 25, 33
Dagdagan ang pasensya hindi lang sa loob ng tahanan kundi maging sa trabaho. Huminga nang malalim, kung biglang magkakaroon ng problema at piliting maging mahinahon. I-focus ang sarili sa magagandang tanawin sa paligid.

Capricorn (December 22 – January 19)

LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Emerald Green
LUCKY NOS: 2, 22, 31, 41
Anumang balakin ay dapat pag-isipan ng mabuti bago gawin dahil baka lumikha lamang ito ng hindi magandang resulta. Mag-isip muna bago gumawa ng anumang hakbang. Huwag pilitin ang sarili kung may duda dahil tiyak kapahamakan ang mangyayari.

Aquarius (January 20 – February 18)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Violet
LUCKY NOS: 7, 11, 21, 32
Maging realistic. Hindi lahat ng tama ay maganda. Tumigil muna sa ginagawa at magpasalamat sa blessings na natatanggap, maliit man o malaki. Mag-ingat sa mga taong mapagsamantala at manloloko. Pag-aralang mabuti ang desisyon bago pumalaot.

Pisces (February 19 – March 20)

LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Yellow
LUCKY NOS: 18, 19, 37, 42
Sa kabutihang magagawa, ngayon ang gantimpala. Magiging pangunahin ang kapakanan ng pamilya bago ang sarili. Isang anak o kamag-anak ang nangangailangan ng tulong sa pag-aaral, suliranin sa pag-ibig o pera. Magaan ang tulong kung buong pusong ipagkakaloob Magiging kalmado ang paligid kinabukasan.