Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

Starscope for the Month of July 2020

Aries (March 21-April 19)
Taurus (April 20-May 20)
Gemini (May 21-June 21)
Cancer (June 22-July 22)
Leo (July 23-August 22)
Virgo (August 23-September 22)
Aries (March 21-April 19)

LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Pink
LUCKY NOS: 3, 18, 21, 24, 40 at 48
Ngayon mo mauunawaan na hindi lahat ng ugali ng mga tao ay kapareho mo. May mga pangakong hindi matutupad. Iwasang makisawsaw sa problema ng iba upang makaiwas at hindi ka madamay sa kanila.

Taurus (April 20-May 20)

LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Violet
LUCKY NOS: 6, 3, 22, 28, 33, at 49
Huwag pakinggan ang kumakalat na balita tungkol sa kapintasan at kahinaan ng minamahal. Magtulungan kayo upang malampasan ang ganitong mga pagsubok. Magsumikap upang umunlad ang kabuhayan sa sariling sikap at hindi sa pera ng iba.

Gemini (May 21-June 21)

LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Sunday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Gold
LUCKY NOS: 4, 6, 31, 39
Pagtuunan maigi ng pansin ang iyong kalusugan at huag magpabaya sa katawan. Para malibang ay pagtuunan ayusin ang tahanan. Maging positibo sa iyong pananaw upang umunlad ang iyong pangkabuhayan.

Cancer (June 22-July 22)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Green
LUCKY NOS: 8, 14, 15, 37
May kasabihang kung ano ang itinanim ay siya ring aanihin. Kung gumawa ka ng kabutihan ay kabutihan rin ang iyong matatanggap. Kaya ipagpatuloy mo ang mabuting gawain para umunlad ang iyong buhay. Iwasan ang maging mapaghinala sa kapwa upang hindi bumaliktad ang kapalaran.

Leo (July 23-August 22)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Purple
LUCKY NOS: 1, 10, 28, 32, 40 at 49
Kung magiging positibo ang pananaw, magsisimula nang maayos ang takbo ng buhay. Maisasakatuparan ang pangakong binitiwan. Positive o negative man ang mangyari, hayaan mo lang dumaloy ang sitwasyon. Sa bandang huli ay mabuti at magagandang kapalaran ang darating sa iyo.

Virgo (August 23-September 22)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Blue
LUCKY NOS: 3, 9, 12, 31
Ang lahat ng bagay kung dadaanin sa mahinahong pag-uusap ay may magandang patutunguhan. Maging mahinahon. Huwag kimkimin sa dibdib ang mga bagay na sa tingin mo ay mahalaga lalo na sa trabaho dahil ito ang magdadala sa iyo ng mabuting kapalaran.

Libra (September 23-October 23)
Scorpio (October 24-November 21)
Sagittarius (November 22-December 21)
Capricorn (December 22-January 19)
Aquarius (January 20-February 18)
Pisces (February 19-March 20)
Libra (September 23-October 23)

LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Jade Green
LUCKY NOS: 3, 6, 14, 18
Anuman ang inililihim mo lalo na sa usaping pag-ibig ay tiyak na mabubulgar at ito ang magiging hudyat ng pagbabago ng inyong samahan. Ang iyong kalusugan ay magiging maayos dapat ipahinga ang katawan ng tama.

Scorpio (October 24-November 21)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Powder Blue
LUCKY NOS: 3, 12, 28, 35
Maisasakatuparan ang gustong mangyari kung susundin ang iyong kutob na hindi ka magkakamali. Magkakaroon ng pagkakataong ikaw ay makakahawak ng malaking halaga, pag-ingatan ito at baka ito ang magbigay sa iyo ng swerte.

Sagittarius (November 22-December 21)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Canary Yellow
LUCKY NOS: 6, 10, 21, 25
Magiging maganda ang takbo ng buhay lalo na sa aspetong pinansyal. Kung anuman ang gusot sa trabaho ay maiaayos din ito basta huwag lang magkikinig sa nakapaligid. Gawin mo kung ano ang tama para sa iyo.

Capricorn (December 22-January 19)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Sky Blue
LUCKY NOS: 9, 17, 21, 23
Magkakaroon ng katuparan ang iyong pangarap kung ipagpapatuloy ang pagiging masipag, disiplinado at pagiging loyal. Disiplina ang magpapaunlad sa iyo at sa relasyon ng tahanan. Laging alagaan ang kalusugan upang maging tuluy-tuloy ang maayos na buhay.

Aquarius (January 20-February 18)

LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Indigo
LUCKY NOS: 21, 24, 30, 39
Iwasang pumasok sa mga aktibidad na involve sa pera. Mas mabuting maging maingat sa pananalapi at iwasan maging mapusok at magastos. Maging matiyaga at masinop, malapit nang dumating ang hinihintay na pagkakataon upang ang buhay ay maging maalwan.

Pisces (February 19-March 20)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Pink
LUCKY NOS: 2, 7, 27, 34, 40, at 47
Kung ikaw man ay nagkamali sa una ay hindi ka dapat tumigil sa pagpupunyagi. Hindi ka dapat manghinayang sa mga nakaraang pagkalugi dahil sa maling desisyon. Sa mga pagkakamali mo matutunan ang tamang pagdedesisyon sa susunod pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *