Starscope for the Month of July 2019
Aries
Taurus
Gemini
Cancer
Leo
Virgo
Libra
Scorpio
Sagittarius
Capricorn
Aquarius
Pisces
Aries
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Maroon
LUCKY NOS: 1, 2 8
Iwasan ang paglalakbay at pakikipagsapalaran. Mas mabuting manahimik sa bahay at gumawa ng gawaing pangtahanan. Magkaroon ng disiplina sa sarili at mag-focus sa kung anumang mahalagang ginagawa.
Taurus
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Electric Blue
LUCKY NOS: 6, 30, 33
Pakinggan ang pangaral ng nakakatandang kamag-anak tungkol sa binabalak na negosyo. Huwag magpadalus-dalos dahil baka magkamali at magsisi sa bandang huli. Ituon ang pagsisikap para sa tahanan at trabaho.
Gemini
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Lilac
LUCKY NOS: 26, 36, 38
Maayos ang landas na tinatahak kaya kumilos habang maaga para sa katuparan ng pangarap. Iwaksi ang kalungkutan dahil malapit nang dumating ang kasiyahan at katuparan ng pangarap.
Cancer
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Orange
LUCKY NOS: 17, 37, 44
Ang hindi pagkakasundo sa mga ideya ang magbibigay ng kalungkutan at katamlayan. Iwasang ma-stuck sa isang opinyon dahil maaari itong magdulot sa iyo ng problema sa mga susunod na araw.
Leo
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY:
HI-VIBE DAY:
LUCKY COLOR: White
LUCKY NOS: 17, 19, 31
Lawakan ang pang-unawa at matutong magpaubaya. Malulutas ang mga suliraning bumabagabag sa iyo. May surpresang matatanggap. Maging mapagpasensya sa mga taong nakapaligid na nagiging pabigat.
Virgo
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Powder Blue
LUCKY NOS: 17, 25, 29
Ang patuloy na pagsisikap ay magiging daan para maisakatuparan ang mga binabalak. Ang pakikipag-ugnayan sa sulat, telepono o anumang uri ng komunikasyon ay mahalaga ngayon. Iwasang umaktong pa-espesyal sa lahat. Mababawasan ka ng mga kaibigan kung hindi iaayos ang iyong pag-uugali.
Libra
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Yellow
LUCKY NOS: 18, 25, 44
Ang malakas na personalidad ay dapat lakipan ng matapat at magandang kalooban. Kapupulutan ng aral ang maririnig sa mga magulang. Ang lahat ng magagandang pangyayari ay deserve mo sa kabutihang naitanim sa nakaraan.
Scorpio
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Blue
LUCKY NOS: 7, 12, 23, 43
Magiging masaya ang araw sa larangan ng pag-ibig. Walang balakid na maisasakatuparan ang lakarin o layunin. Manatiling kalmado sa mga taong humahamon sa iyong kakayahan at patuloy na magtiwala sa sarili.
Sagittarius
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Blue
LUCKY NOS: 15, 25, 35
Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig, subalit huwag padala sa nadaramang kapusukan dahil kalungkutan ang naghihintay. May akaambang gusot mula sa trabaho at madadala ito hanggang tahanan. Magpakatatag at sikaping malagpasan ito.
Capricorn
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Yellow
LUCKY NOS: 13, 15, 31
Ang pagri-relax o pamamasyal ay magandang gawin sa panahong ito. Makabubuti mapahinga ang iyong isipan at katawan para na rin sayong kalusugan. Laging ingatan ang sarili.
Aquarius
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Green
LUCKY NOS: 19, 24, 27
Sundin ang kutob ng kalooban at hindi magkakamali. Hindi simple ang mga nangyayari kaya dapat kang manatiling nakaalerto. Maging handang umaksyon kahit biglaan. Madaling uminit ang ulo kaya kontrolin ang emosyon at iwasang makipagsabayan.
Pisces
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Orange
LUCKY NOS: 10, 18, 28
Sa gitna ng mga kaabalahan, marami kang taong makikilala at mas maraming oportunidad ang magbubukas dahil sa mga bagong koneksyong. Hindi mo kailangan ng detalyadong plano, maging handa umaksyon anumang oras.