Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Miscellaneous

Mga gamit ng Aloe Vera sa katawan

Ang Aloe vera, kung tawagin sa Pilipinas ay sabila, ay ginagamit sa panggagamot, pagpapakapal ng buhok sa mga taong nakakalbo at ginagamit rin sa pagpapaganda.

Maraming uri ng sustansya at kemikal ang maaaring makuha sa Aloe Vera (Sabila). May taglay itong iba’t ibang uri nag bitamina, salicylic acids, sugar, minerals, lignin, saponins, at amino acids.

Ang bahaging ginagamit sa aloe vera ay ang kanyang dahon. Maaaring kunan ng katas at laman at dikdikin para ipahid sa katawan o maaari rin ilaga at inumin ang katas nito at kainin ang laman o ihalo sa yogurt.

Maraming sakit ang magagamot ng aloe vera kagaya ng paglalagas ng buhok, balakubak, pamamanas, pagdudumi, sugat, paso sa balat at iba pa.

Mga benepisyong makukuha sa Aloe Vera o Sabila :
  • Para sa buhok at balakubak – Binabawasan nito ang paglulugas at nagdadagdag ito ng paglago ng buhok at pinapanatili ang magandang kondisyon ng anit.
  • Para sa balat – Nakakadagdag ito ng moisturize sa balat at pinipigilan ang palatandaan ng pagtanda, nagpapabawas rin ng acne, sunburn at mga kagat ng insekto.
  • Para sa kalusugan – Nakakabawas ng cholesterol at nagreregulate ng blood sugar sa katawan, nakakaiwas sa cancer, nakakatanggal ng manas at regular bowl movement.