Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

STARSCOPE FOR THE MONTH OF JULY 2014

Aries (March 21-April 20)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Green
LUCKY NOS: 2, 7, 39, 44
Huwag munang pakialaman ang pinakapaboritong gawain sa unang oras ng trabaho dahil sa hangad magtagumpay, kabaligtaran ang mangyayari. Iwasang uminom ng mga nakakalasing na inumin dahil wala naman itong idudulot na mabuti sa iyo.

Taurus (April 21-May 21)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Brown
LUCKY NOS: 8, 9, 39, 43
Kung may lihim o may pagtingin sa isang nilalang at tila hindi ka pansin, huwag mabahala dahil isang araw mabibigla ka na lamang na may kakaiba kang dating sa kanya. Mapalad ka sa iyong hanapbuhay kaya dapat paigtingin ang pag-aaruga rito.

Gemini (May 22-June 21)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY:  Monday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Blue
LUCKY NOS: 11, 27, 39, 40
May kaguluhan ang iyong isip o trabaho sa umaga ngunit magiging normal ang situwasyon sa dapit-hapon. Kung may mag-aanyaya ng sosyalan dapat pagbigyan dahil dito matatagpuan ang magandang pagkakataon na may malaking pakinabang sa hanap-buhay.

Cancer (June 22-July 23)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Sunday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Sky Blue
LUCKY NOS: 9, 27, 35, 37
Ang kayabangan kailan man ay hindi magdudulot ng magandang bunga bagkus makakapagpairita ng kapwa at kahihiyan ang balik kung madidiskubre. Ipanalangin na hindi mangyari na may makakasagupa ka sa dapit-hapon o gabi.

Leo (July 24-August 22)
LOVE: ****
LUCK: ****
MONEY: ****
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Red
LUCKY NOS: 4, 5, 32, 33.

Huwag bitiwan ang ginagawa at pangarap. Huwag kang aatras dahil kaunting hakbang na lamang ay aabot na ang tagumpay. Tapusin ang nasimulan nang mapitas na ang bunga ng pinagpaguran.  Huwag kalimutang ipagpasalamat ang biyayang natatanggap.

Virgo (August 23-September 23)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ****
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Aqua Blue
LUCKY NOS: 19, 39, 40, 42
Nasa kamay mo ang desisyon tungkol sa iyong buhay pag-ibig. Lawakan ang pangunawa at timbangin ang bawat hakbang sa dapat gawin. Kung saan ka magiging maligaya doon ka dapat lumagay. Kung lito ka sa pagdedesisyon, walang masama kung kumunsulta sa higit na nakakaalam.

Libra (September 24-October 23)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ****
LO-VIBE DAY: Sunday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR:Jade Green
LUCKY NOS: 4, 24, 34, 44
Kung wala rin namang mahalagang lakad ay makakabuting manatili na lamang sa bahay. Ang lubos na pag-iingat ay napakahalaga ngayon. Kung may suliranin, maging bukas sa suhesyon.

Scorpio (October 24-November 22)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Bold Yellow
LUCKY NOS: 8, 17, 36, 44
Hindi maiiwasan na may suliranin sa tahanan o sa trabaho ngunit mga simple lamang ang iyong makakasagupa na kayang-kaya maresolba. Ang mahalaga ay tutukan ang kalusugan at mabigyan ng tamang pangangalaga.

Sagittarius (November 23-December 21)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ****
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Indigo
LUCKY NOS: 1, 4, 35, 39
Kung seloso o selosa ka at hangad ang kapayapaan ng pagsasama, kailangan putulin ito. Kung patuloy ang iyong pagseselos, ito ang magiging dahilan at mitsa ng wasak na pagsasama dahil hahantong sa hiwalayan ang iyong relasyon.

Capricorn (December 22-January 20)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ****
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Neon Green
LUCKY NOS: 23, 33, 42, 44
Pag-aralan muna ang mga bagay na dapat gawin bago kumilos para makatiyak ng tagumpay. Kung nagmamadali ay lalong magkakamali. Iwasan ang magpadalus-dalos sa gawa at pananalita.

Aquarius (January 21-February 19)
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Red Orange
LUCKY NOS: 9, 27, 33, 40
Ibaling mo ng husto ang iyong atensiyon sa gusto mong gawin para sa sarili kaysa pakialaman ang landas na gustong tahakin ng ibang tao. Ang naunsiyami mong pangarap ay dahil sa kagagawan ng sarili.

Pisces (February 20-March 20)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Red
LUCKY NOS: 14, 17, 39, 43
May darating na mga pagbabago sa trabaho o ugali. Kung naging pasaway ka noon, dapat baguhin para hindi magsisi. Ngayon ang malaking pagkakataon para maipakita ang tinatagong kaalaman at kahusayan na hahangaan.