Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

ABS-CBN Chairman Eugenio “Gabby” Lopez III, pinarangalan ng KBP Lifetime Achievement Award

Pinarangalan ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) ng Lifetime Achievement Award si ABS-CBN Chairman Eugenio “Gabby” Lopez III sa naganap na 22nd Golden Dove Awards para sa kanyang natatanging kontribusyon sa industriya ng pamamahayag.
Sa kanyang talumpati na binasa ng kanyang kapatid at Chief Executive Officer (CEO) ng ABS-CBN Publishing na si Ernie Lopez, ipinaliwanag ni Lopez kung paano sumasabay ang ABS-CBN sa makabagong panahon dala ng digital age para mas mapaglingkuran ang mga kapamilya sa loob at labas ng bansa.
Pinasalamatan din ni Lopez ang mga tao sa likod ng ABS-CBN na patuloy na isinasapuso ang natatanging damdamin ng Kapamilya network na “in the service of the Filipinos, worldwide” sa loob ng nagdaang 60 taon.
Nagkamit din ng parangal ang iba’t ibang programa at personalidad ng ABS-CBN kabilang na ang Best TV Station award para sa Kapamilya network.