Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

Starscope for the month of January 2021

Aries (March 21-April 19)
Taurus (April 20-May 20)
Gemini (May 21-June 21)
Cancer (June 22- July 22)
Leo (July 23- August 22)
Virgo (August 23- September 22)
Aries (March 21-April 19)

Punumpuno ng enthusiasm at oportunidad at pagbabago ang Aries. Hindi lamang na matutupad at matatapos mo ang lahat ng nakabinbing trabaho kundi papabor din sa iyo ang pagkakataon. Magiging maganda ang bukas ng taong ito para sa iyo at magiging successful din sa career. Gagawa ka rin ng mga importanteng desisyon sa taong ito, kaya naman nire-require na maging stress free ka bago ka mag-decide. Sa business naman, medyo hindi maayos pero kung pagsusumikapan ay baka umigi rin sa kalagitnaan ng taon.

Taurus (April 20-May 20)

Maraming pagbabago kaya magkakaroon ng transformation ang Taurus sa taong ito. Magiging maganda ang takbo ng iyong career at makikita mo ang lahat ng pinaghirapan mo na mapupunta sa maganda. Maaaring makatanggap ng magandang balita sa kalahatian ng taong ito. Magkakaroon man ng konting hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng iyong partner pero mare-resolba rin ito kung paiiralin ang pagiging mapagpasensiya at pagkamaunawain. Swerte man ay may dapat ka pa rin pagtuunan ng pansin. Ito ay ang iyong kalusugan. Huwag itong pabayaan. Nakaka-excite man ang mga swerteng darating sa iyo sa taong ito pero huwag kalimutan ang alagaan ang sariling kalusugan.

Gemini (May 21-June 21)

Sa taong ito ay magkakaranas ka ng iba’t ibang ups and down sa iyong career kaya maging maunawain o mapagpasensiya. Kung ikaw naman ay isang negosyante, ito ay magandang taon para sa iyo pero maging maingat sa pakikipag-transaksyon. Pag-isipang mabuti ang bawat papasukin bago ituloy. Ang hindi pag-iisip ng maigi sa inilatag na transakyon sa harapan mo ay maaring magdulot ng iyong ng kabiguan. Ang pagsisi ay nasa huli kaya maging maingat.

Cancer (June 22- July 22)

Maganda ang magiging takbo ng iyong career sa taong ito dahil may nakikitang progress at promotion. Magkaroon man ng problemang pinansiyal ay hindi naman ito magtatagal at mare-resolba rin ito agad, dahil sa iyong pagpupunyagi at pagsisikap. Ukol sa pamilya, magiging maayos naman pero syempre hindi mo pa rin maiiwasan na may desisyon kang hindi sila sa sang-ayon kaya bigayan na lang para hindi magtungo sa mas malalim na hidwaan. Ingatan ang kalusugan.

Leo (July 23- August 22)

Sa trabaho, ikaw ay magiging successful. Magkakaroon ng major impact ang paggastos kaya ingatan ito. Iwasan ang stress kaya mas mabuting ang bawat suliranin sa loob at labas ng tahanan ay huwag pa i-stress. Sa taong ito ay magiging maayos sa iyo pero hindi pa rin dapat magpakampante. Ingatan ang kalusugan.

Virgo (August 23- September 22)

Ang iyong career ay magkakaroon ng ups and downs sa taong ito at posibleng pagbabago rin ng trabaho. Para naman sa mga negosyante, ito ang magandang taon pero iwasan ang partership dahil magkakaroon ng problema lalo na ukol sa money transactions.
Kung ikaw naman ay single, magigiging maganda ang lovelife mo sa taong ito kaya samantalahin. Ipagpasalamat ang blessings makukuha sa taong ito dahil maging ang kalusugan ay magiging mainam. Ang iyong pagsisikap na mapabuti ang kalusugan ang magbubunga ng mabuti at ito ay magugustuhan ng iyong buong pamilya.

Libra (September 23-October 23)
Scorpio (October 24- November 21)
Sagittarius (November 22 -December 21)
Capricorn (December 22- January 19)
Aquarius (January 20 – February 18)
Pisces (February 19 – March 20)
Libra (September 23-October 23)

Magkakaroon ng magandang progress ang iyong buhay sa taong ito. Simulan mo sa career at negosyo na sadyang yayabong. Hindi lang ikaw kundi maging ang pamilya mo na kasama mo sa tahanan ay magiging maayos din dahil mahahawa ika nga sa luck na iyong matatamo sa taong ito. Pati ang iyong buhay pag-ibig ay magiging maayos din. Ang isa lamang na pagtuunan ng pansin ay kalusugan. Maaaring malunod ka sa success na iyong tinatamasa at makalimot sa pag-aalaga sa sarili.

Scorpio (October 24- November 21)

Ang taong ito ay medyo hindi maganda para sa iyong career. Kaliwa’t kanang pagsubok ang sasalubong sa iyo kaya pagsumikapang mapagbuti ang trabaho. Ang financial state mo naman ay steady lang kaya hindi dapat mag-aalala pero syempre huwag pa rin maging bulagsak.
Hindi ka man magigig swerte sa career ngayong taong ito ay maayos naman ang takbo ng iyong tahanan at pamilya. Mas lalong magiging matatag ang inyong samahan, magtutulungan kayong i-resolba ang kung anumang problemang darating sa inyong buhay at pagtibayin ang pagtitiwala sa isa’t isa. Pag-ingatan ang sarili para hindi bumagsak ang kalusugan.

Sagittarius (November 22 -December 21)

Magiging maganda ang takbo ng iyong career sa taong ito sa tulong ng iyong mga kasama sa trabaho. Maganda rin ang nakikitang resulta kung ikaw at magne-negosyo at ito ang magpapalago ng iyong financial situation. Mas lalong magiging masaya ang samahan sa pamilya dahil naroon ang respeto at komunikasyon. May nakikitang paglalakbay sa taong ito. Paghandaan at ang iyong makakasama ay ang mahal sa buhay. May mga minor issues sa kalusugan na hindi dapat ipagwalang-bahala. Pagtuunan ng pansin para hindi lumala.

Capricorn (December 22- January 19)

Ang taong ito ay maganda ang nakikita sa iyong career kaya maging mas mapagpunyagi dahil ang lahat ng iyong paghihirap ay masusuklian ng tagumpay. Maging ang financial situation mo ay magiging maayos dahil na rin sa pagiging maingat mo sa pananalapi. Kalusugan mo at ng iyong pamilya ay importante kaya mag-ingat. Suma total, maayos ang magiging takbo ng iyong kapalaran sa buong taon na ito. Samahan ng pag-iingat at pagpupuyangi, magiging maayos ang flow ng buhay mo.

Aquarius (January 20 – February 18)

Ang taong 2021 ay medyo hindi maganda sa iyong career at kabuuan. Lalong maging mas masikap para umunlad ang buhay at iwasan ang pagiging bulagsak para hindi kapusin sa pera. Ang samahan sa loob ng tahanan ay mananatiling maayos at maging ang lovelife mo.
Pagsumikapang maging healthy para hindi magkasakit.

Pisces (February 19 – March 20)

Ang career path mo ay nagkakaroon ng momentum. Maganda rin ang nakikitang ang mga negosyante ay mage-expand ng business. Magkakaroon ka ng pagkakataong kumita sa mga negosyong papasukin at magpapatibay ng iyong financial situation.
Maayos ang pamilya sa taong 2021 at kung magkaroon manng problema ay magkakaroon kaagad ng resolusyon dahil umiiral sa loob ng inyong tahanan ang pagmamahal at maayos na komunikasyon. Magiging maganda rin ang iyong kalusugan sa taong ito.

Rat Horoscope 2021
Ox Horoscope 2021
Tiger Horoscope 2021
Rabbit Horoscope 2021
Dragon Horoscope 2021
Snake Horoscope 2021
Rat Horoscope 2021

Birth Years: 1924, 1936, 1948, 1960, 1972, 1984, 1996, 2008, 2020.

Wood Rat 1924, 1984 – Punumpuno ng magaganda at mahahalagang experiences.
Fire Rat 1936, 1996, 2021 – Ito ang taon ng mga magagandang choices na iyong mga gagawin.
Metal Rat 1960 – puno ng enerhiya at lakas ang taong ito.
Earth Rat 1948, 2008, 2021- mag-iimprove ang kabuhayan at kapalaran.
Water Rat 1912, 1972 – Kailangan i-establish ang mga layunin at makakakuha ka ng magagandang resulta.

Ox Horoscope 2021

Birth Years: 1913, 1925, 1937, 1949, 1961, 1973, 1985, 1997, 2009, 2021.

Wood Ox 1925, 1985 – Kailangan mong magpursige ngayong 2021 para umunlad.
Fire Ox 1937, 1997- Laging ibigay ang iyong best para makamtan ang pangarap sa buhay.
Metal Ox 1961- Mag-set ka ng goals kung ano ang dapat gawin, para sa mga taong ang tingin sa iyo ay mababa.
Earth Ox 1949, 2009 – Sa taong 2021, kailangan mag-relax. Dahil naging sobrang tutok ka sa trabaho at dapat pagtuunan ng pansin ang iyong sarili. Pahinga para hindi mapabayaan ang kalusugan.
Water Ox 1913, 1973 – Sa taong ito ay steady lang ang progress ng buhay mo.wala kang masyadong iniisip na goal dahil wala challenges na ma mi-meet. Maging mapagmatyag para hindi ka naman mapag-iwanan.

Tiger Horoscope 2021

Birth Years: 1914, 1926, 1938, 1950, 1962, 1974, 1986, 1998, 2010, 2022.

Wood Tiger 1914, 1974 – Ang ika-tatagumpay mo ay ang magandang relasyon sa iyong pamilya at kapwa. Magkaroon ng magandang komunikasyon at matutong makinig sa kung anumang isyu nakapalibot sa iyo at pamilya. Ito ang maglalagay sa mas kumportableng sitwasyon at mas magaan na buhay sa taong ito.
Fire Tiger 1926, 1986- Kailangang kumilos at magtrabahong mabuti. Maging mabuting tao sa mahal sa buhay at sa kapwa at ito ang magbibigay ng positibong outcome sa buhay.
Metal Tiger 1950, 2010 – Ang taong ito ang mag bibigay sa iyo ng chance upang makapili ng tamang career. Career na gusto mo at ikaw ay kumportable.
Earth Tiger 1938, 1998 – Sa taong ito, pagtuunan ng pansin ang iyong kalusugan. Kung nakaraang taon ay naging busy ka, ngayong taon ay mas mahalaga na maging maingat sa pangangalaga ng sariling kalusugan.
Water Tiger 1962 – Kung nakaraang taon ay naging busy ka sa iyong trabaho, ngayong taon ay magiging busy ka sa pag aasikaso ng iyong mahal sa buhay, dapat ay magkaroon ka rin ng relaxation kasama ang mahal mo.


Rabbit Horoscope 2021

Birth Years: 1939, 1951, 1963, 1975, 1987, 1999, 2011, 2023.

Wood Rabbit 1975 – Sa isang tao ay dumarating ang isang pagkakataon na ikaw ay gagawa ng mahalagang desisyon. Pwedeng lovelife o sa tahanan, pero sa taong ito, ang career ang dapat mong pag-isipang mabuti. Ikaw ay gagawa ng ng desisyon na makakabuo sa iyo at magbibigay ng achievement sa sarili. Pag-isipang mabuti ang career, dahil nakasalalay ang iyong kapalaran.
Fire Rabbit 1987 – Ibayong pangangalaga sa iyong sariling katawan at kalusugan ang pagtuunan ng pansin ngayong taon.
Metal Rabbit 1951, 2011 – Mahalin mo ang iyong partner katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili. Kung gustong mong mahalin ka ay dapat ganuon din ang ibigay mo sa kanya. Dapat may reciprocation.
Earth Rabbit 1939, 1999 – Sa taong ito, magiging swerte ka kung ikaw ay laging bumibiyahe. Kaya kahit wala kang masyadong pera, magbiyahe ka kahit sa karatig lugar lamang.
Water Rabbit 1963 – Maraming bagong projects ang darating sa yo, hinay-hinay lang at baka mahirapan ka.

Dragon Horoscope 2021

Birth Years: 1928, 1940, 1952, 1964, 1976, 1988, 2000, 2012, 2024

Wood Dragon 1964 – Lucky ka sa lovelife mo this year pagsikapan i-maintain ang relationship para sa inyong dalawa.
Fire Dragon 1976 – Kung ano ang iyong pangarap at idinidikta ng puso ay sundin. Itong taon na ito ang magbibigay ng success sa iyo.
Metal Dragon 1940, 2000 – Kung naging messy man ang naging approach mo sa problema noong nakaraang taon, ngayong taon ay maaayos mo ito.
Earth Dragon 1928, 1988 – Hindi man naging maganda ang takbo ng iyong career noong nakaraang taon, ngayon taon ay makakabawi ka. Goodluck!.
Water Dragon 1952, 2012 – Magiging busy ka sa iyong career. Pero matututo kang mag-manage ng oras mo dahil ang dahilan ng iyong success ay ang iyong pamilya.

Snake Horoscope 2021

Birth Years: 1917, 1929, 1941, 1953, 1965, 1977, 1989, 2001, 2013, 2025.

Wood Snake 1965 – Ito ang taon kung saan makakakilala ka ng mga taong maaaring makatulong sa pag-unlad mo sa buhay.
Fire Snake 1977 – Ito ang taon mo upang makakilala ng bagong kaibigan. Piliin mabuti, iyong  magbibigay ng magandang influence sayo para maabot mo ang gusto mong ma-achieve.
Metal Snake 1941, 2001 – Mahilig kang mag-travel pero sa taong ito ay piliin mong mag-travel sa lugar na sa tingin mo ay espesyal sa iyo.
Earth Snake 1929, 1989 – Huwag magpadalus-dalos sa pag-apply ng trabaho. Piliin mo ang tamang trabaho para magkaroon ka ng satisfaction sa iyong ginagawa.
Water Snake 1953 – Ang taong ito ay halos pareho rin noong nakaraang taon. Wala kang dapat asahan na extraordinary na mangyayari. Career, lovelife o pamamahay ay ganun pa rin.

Horse Horoscope 2021
Goat Horoscope 2021
Monkey Horoscope 2021
Rooster Horoscope 2021
Dog Horoscope 2021
Pig Horoscope 2021
Horse Horoscope 2021

Birth Years: 1930, 1942, 1954, 1966, 1978, 1990, 2002, 2014, 2026.

Wood Horse 1954,2014 – Hanapin ang career kung saan ka uunlad at magbibigay ng swerte sa iyo.
Fire Horse 1966 – Makikita mo na sa taong ito ang taong magmamahal sa iyo at makakasama mo sa hababuhay.
Metal Horse 1930, 1990 – Kailangan mo sa taong ito ang maraming pasensiya at diplomasya. Ito lamang ang magbibigay sa iyo ng peace of mind.
Earth Horse 1978 – Maging rasonable ka sa taong ito. Huwag mong i-under estimate ang lahat ng magagandang oportunidad na darating sa taong ito. Ituloy ang pagsusumikap at pagpupunyagi.
Water Horse 1942, 2002 – Ikaw na negative thinker, pagsumikapan itong taon na ito ay makihalubilo sa mga taong magbibigay sa iyo ng positibong attitude at aura. Maging positibo para umunlad.

Goat Horoscope 2021

Birth Years: 1931, 1943, 1955, 1967, 1979, 1991, 2003, 2015, 2027.

Wood Goat 1955, 2015 – Maraming magagandang job offers ang darating sa iyo ngayong taong ito. Maging wise sa pagpili para maging maayos ang iyong kinabukasan.
Metal Goat 1931, 1991 – Importante ang taon ito para sa iyo at iyong pamilya. Pagsumikapang maging maayos ang buong pamilya.
Earth Goat 1979 – Maraming tao ang naghahanap ng kanilang masasandalan sa panahon ng kagipitan. Sa taong ito makikita ang hinahanap mo.
Water Goat 1943, 2003 – Maraming beses na ang kutob ay nagsasalba sa isang tao. Mga desisyon na idinadaan sa kutob. Sa taong ito, ang iyong kutob ang magbibigay ng warning upang makaiwas sa mga peligrosong sitwasyon.

Monkey Horoscope 2021

Birth Years: 1932, 1944, 1956, 1968, 1980, 1992, 2004, 2016.

Wood Monkey 1944, 2004 – Ang taong 2021 ay maaaring maging maganda para sa iyong career kaya dapat ay gamitin mo ang pagkakataong ito ng tama at huwag maging padalus-dalos.
Fire Monkey 1956, 2016 – Mixed year ito para sa iyo. Ito ang magbibigay sa iyong ng magagandang accomplishment. Pagbutihin mo.
Earth Monkey 1968 – Kung ikaw man ay busy noong nakaraang taon, sa taong ito ay huwag mong kalimutan ang iyong sarili. Alagaan ang kalusugan lalo na sa una at ikalawang quarter ng taong ito.
Water Monkey 1992 – Marami kang plano at pangarap na gustong matupad. Pagsumikapan  lamang na ma-achieve ito na wala kang tinatapakang tao.

Rooster Horoscope 2021

Birth Years: 1933, 1945, 1957, 1969, 1981, 1993, 2005, 2017, 2029.

Wood Rooster 1945, 2005 – Ito ang taon kung saan ikaw ay nasa gitna ng atensiyon dahil ikaw ay magiging matulungin. Tutulungan ka sa abot ng iyong makakaya sa mga taong nanghihingi ng tulong. Hindi ka maramot sa aspetong itong. Pagpatuloy mo lang, dahil ito ay babalik sa iyo in three folds.
Fire Rooster 1957, 2017 – Mag-ingat sa aksidente. Sa taong ito ay lapitin ka ng aksidente kaya ibayong pag-iingat ang gawin.
Metal Rooster 1981- Maganda ang taong ito para sa iyo lalo na sa pananalapi. Ito ang taon mo upang makahanap ng iba’t ibang oportunidad at mamili kung ano ang gusto mo.
Earth Rooster 1969 – Pag-isipan mong maigi ang lovelife dahil mukhang maraming hadlang sa taong ito.
Water Rooster 1993 – Mare-recognize ang iyong pagsusumikap sa taong ito. Galingan mo pa dahil ito na ang matagal mo nang hinihintay. Ang progreso sa buhay.

Dog Horoscope 2021

Birth Years: 1934, 1946, 1958, 1970, 1982, 1994, 2006, 2018

Wood Dog 1934, 1994 – Maraming win-win situation ang nakalaan para sa iyo ngayong taong ito. Walang makakahadlang kaya lalong mag sumikap ka pa.
Fire Dog 1946, 2006 – Lots of energy at kapangyarihan sa taong ito. Nagbunga ang iyong pagsisikap noong nakaraang taon kaya aanihin mo ito ngayong taon.
Metal Dog 1970 – Magiging mas mahusay at masipag ka kaya ikaw ay kikita ng maraming pera.
Earth Dog 1958, 2018 – Ang taong ito ay magiging magical kung ang lovelife ang pag-uusapan.
Water Dog 1982 – Gawan mo ng paraan na mabago ang iyong persona para maging mas attractive ka hindi lamang sa opisina kundi sa personal na buhay.

Pig Horoscope 2021

Birth Years: 1935, 1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007, 2019, or 2031

Wood Pig 1995 – Ang taong ito ay magiging exciting para sa yo. Maraming mangyayari na iyong magugustuhan at papabor din ang pagkakataon.
Fire Pig 1947, 2007 – Pag-aaral at personal development ang naghihintay sa iyo sa taong ito. Ang pagbabagong ito ang magbibigay sa iyo ng success.
Metal Pig 1971 – Ito na ang panahaon para mas ma-enhance mo pa ang iyong talent at skills. Gamitin ito para ikaw ay umunlad.
Earth Pig 1959, 2019 – Magkakaroon ng priority sa taong ito. Dahil ikaw ay magkakaroon ng pagkakataon gawin ang nais mong gawin para maging successful ka.
Water Pig 1983- Itong taon na ito ay may chance ka na magkaroon ng promotion at palaguin ang negosyo.