Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

Heart to Heart

Photo Credits:   BJ Pascual

Thank you GMA7

Sa tunog pa lang ng kanyang pangalan parang tunog anghel na. Si Heart Evagelista ay nakilala bilang ka-loveteam ni John Prats noong G-mik days sa ABS CBN. At ito ay nasundan pa ng ilang tv shows at movies na kinagiliwan ng mga tagahanga nila. Early years pa lang niya sa showbiz ay nagkaroon na agad siya ng awards (Best New Female Personality, Best New Movie Actress at Best New TV Actress) mula sa Star Awards for Movies at Star Awards for TV.

Naging popular din ang loveteam nila ni John Prats pero after 4 years ay naghiwalay sila at ipinares si Heart kay Geoff Eigenmann. Pagkatapos ng ilang mga tv shows at pelikulang pinagtambalan nila ay kinuha siya bilang leading lady ni Jericho Rosales sa series na Panday. Ang kanilang tambalan ni Jericho ay nauwi sa seryosong relasyon sa loob ng 3 taon. Pero dahil na rin sa sitwasyon ay naghiwalay sila at nagkanya-kanya nang landas.

Muling nag-renew ng kontrata si Heart sa ABS CBN pero under per project basis na sa ilalim ng pamamahala ng kanyang bagong manager na si Angeli Pangilinan-Valenciano. After appearing in some teleserye with ABS CBN, ay lumipat na si Heart sa ibang network, ang GMA 7.

Sa GMA 7 ay pumirma si Heart ng exclusive contract at hanggang sa kasalukuyan ay nanatili pa rin si Heart bilang artista ng GMA 7. Hindi napa-patlang ang kanyang mga proyekto sa naturang network at nagpapasalamat naman si Heart dahil naging very supportive ang network sa kanya.

Mga TV shows, teleserye, hosting jobs at tv guestings, si Heart ang paboritong leading lady dahil pwede siya sa drama at comedy.

Bukod sa pagiging artista ay may isa pang talent si Heart. Ito ay ang pagiging isang accomplished painter. Mahilig magpinta si Heart at sa pagpipinta niya ine-express niya ang nararamdaman. Nagkaroon siya ng solo exhibitions sa iba’t ibang prestihiyosong galleries tulad ng Ayala Museum at Galerie Joaquin.

At sa kanyang pagpipinta ay gamit niya ang kanyang tunay na pangalan, Love Marie.

Ang kauna-unahang exhibition niya ay ginanap sa Ayala Museum na may titulong “I am Love Marie”: The Art and Works of Love Marie Ongpauco. At sa taong din yun ay sumali siya sa Visual Arts Festival sa pamamagitan ng Focus on the Arts: Art in Transit exhibitions.

At nagkaroon siya ng pangalawang solo exhibition niya sa Galerie Joaquin sa pamamagitan ng Love Marie gallery.

Ang ikatlong solo exhibition ni Heart ay ang , Love Marie: A Solo Exhibition of a World Class Filipina, ito ay ginanap sa Singapore noong 2015. Nag-collaborate siya with Rocio Olbes’ sa children’s book na Daughter of the Sun and the Moon, at sumali rin siya sa Art Fair Philippines noong 2015: maARTe and PortrAYAL (LAYA): Portraits for Freedom Big & Small Art Co.

Taong 2015 nang ikasal si Heart kay dating Senator Chiz Escudero na ngayo’y Governor ng Sorsogon. Ang akala ng marami ay magla-lie low na siya sa pag-aartista pero hindi dito tumigil ang pagmamahal niya sa industriya at pamamahal niya sa Arts. Nagpatuloy pa rin siya sa paglabas sa telebisyon at pag-fulfill ng kanyang isa pang pangarap.

Naging busy pa rin si Heart hindi lang sa telebisyon, pagpipinta, kundi pagiging isang mabuti at supportive na maybahay kay Gov. Chiz Escudero. Ang kanyang “Follow Your Heart” artwork ay na-feature sa February 2019 US edition ng Harper’s Bazaar.

Si Gov. Chiz Escudero ay kilala bilang matulungin at si Heart bilang Mrs. Escudero ay hindi rin ma-iaalis ang pagiging matulungin sa kapwa.  Ang pagtulong na hindi nanghihingi ng kapalit. Ang kanyang foundation “Heart Can” na ang layon ay upang matulungan ang mga kabataang may respiratory diseases.  Active ang foundation simula nang ito ay itatag at marami na rin ang natutulungang mga kabataang may special needs. Naging recipient at supporter din si Heart ang LGBT community. Spokesperson din siya ng PAWS o Philippine Animal Welfare Society kung saan nag-launch sila ng iba’t ibang campaign laban sa mga nagmamalabis sa hayop.

Sa kasalukuyan ay sinusuportahan din ni Heart ang Balikatan Thalassemia para sa mga kabataang may pambihirang rare disease, at Corridor for Hope para naman sa mga kabataang may cancer at pati ang Cerebral Palsy Association of Sorsogon. Taga Sorsogon ang kanyang asawang si Gov. Escudero.

Ang ilang buwang lockdown ay nagpatigil sa mundo ni Heart. Nakagawa siya ng paraan kung paano haharapin ang kasalukuyang sitwasyon ng buong mundo. Ang kanyang pagiging certified fashionista ang laging inaabangan ng mga tagahanga niya sa tuwing siya ay magpo-post sa kanyang social media. At kamakailan lamang ay muli niyang na-discover ang kanyang pagkamahiligin sa music.

Isang musical treat ang handog ng Kapuso star at Queen of Creative Collaborations na si Heart Evangelista para sa kanyang fans: ang release ng pre-recorded single niyang “Breathe You.”

Kuwento ni Heart, taong 2005 nang una niyang na-embrace ang kanyang freedom at ito ang laman ng kanyang kanta.Makalipas ang higit 15 taon, handa na si Heart na ibahagi muli ang kanyang tinig sa Filipino audience.

Sa ilalim ng distribution deal with GMA Music, maaari nang mapakinggan ng publiko ang “Breathe You” sa unang pagkakataon.

I remember at 21, I didn’t know what to do with my life. I just knew that I was extremely happy and free and I’m seeing the world slowly. I remember recording that song because I really had good people around me during the time. I just listen to the song and I remember myself as a 21-year-old girl who is very naïve about the world, who thought everything was a fairy tale. It’s really refreshing to remember how I was back then.”

Available na for streaming ang “Breathe You” sa Spotify, Apple Music, YouTube Music at iba pang digital platforms worldwide.