Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

Starscope for the Month of August 2020

Aries (March 21-April 19)
Taurus (April 20-May 20)
Gemini (May 21-June 21)
Cancer (June 22- July 22)
Leo (July 23- August 22)
Virgo (August 23-September 22)
Aries (March 21-April 19)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Red
LUCKY NOS: 16, 20
Marami ka nang na plano at sa ngayon ay magagawa mo nang harapin ang isa rito. Pag-isipan mabuti ang gagawin para hindi mabulilyaso. Iwasan ang intriga dahil hindi ito magdadala ng magandang resulta para sa iyo.

Taurus (April 20-May 20)

LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Green
LUCKY NOS: 28, 30
Ikaw ay likas na tahimik at hindi nakikialam sa kung anuman ang hindi mo dapat pakialaman. Mas mabuting ipagpatuloy ang pananahimik na makakabuti naman sa iyong sitwasyon para iwas na rin sa gulo dahil kapag ikaw ay nakisawsaw pa sa gulo ng iba, mababago ang sitwasyon para sa iyo, baka mapahamak lamang.

Gemini (May 21-June 21)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Moss Green
LUCKY NOS: 33, 5
Lubhang mahalaga sa iyo ang kakaharaping sitwasyon dahil ito ang magbubukas ng pinto upang maging mas sensitibo ka sa nakapaligid sa iyo. Ang katigasan ng iyong ulo ang magdadala sa iyo sa isang madamdaming sitwasyong kaya habang maaga pa ay sundi mo ang iyong konsensiya.

Cancer (June 22- July 22)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Charcoal Gray
LUCKY NOS: 14, 25
Huwag magbakasali, dapat tiyaking mabuti ang mga ikikilos at sasabihin mo upang hindi lumayo ang swerte sa iyo. Bago ka maglakbay ay siguraduhing kumpleto ang gamit at maging handa dahil dito nakasalalay ang lahat ng magagandang oportunidad na naghihintay sa iyo na magpapabago sa iyong buhay.

Leo (July 23- August 22)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Yellow
LUCKY NOS: 7, 18
Magpasalamat sa lahat ng grasyang iyong tinatamo sa buhay at maging ang mga taong laging nasa tabi mo at handang tumulong sa iyo. Sila ang naging hagdan mo kung bakit maganda ang kinatatayuan ng iyong buhay ngayon.

Virgo (August 23-September 22)

LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Sky Blue
LUCKY NOS: 23, 40
Hindi masama ang magtanong kung may nais kang malaman at huwag mo rin itong maging iyong kahinaan. Mas mabuti ang nagtatanong para maiwasan ang problema sa hinaharap. Ang sitwasyon mo sa buhay ay magbabago dahil sa gusto mong matutunan ang mga bagay-bagay na nakapaligid sa iyo.

Libra (September 23-October 23)
Scorpio (October 24-November 21)
Sagittarius (November 22-December 21)
Capricorn (December 22-January 19)
Aquarius (January 20-February 18)
Pisces (February 19-March 20)
Libra (September 23-October 23)

LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Red
LUCKY NOS: 26, 37
Magiging maganda ang takbo ng iyong lovelife at maaaring pangmatagalan na ito. Ito na ang matagal mo ng hinihitay  kaya i-focus ang iyong isipan sa kung paano mapapaunlad ang buhay kasama ang iyong minamahal.

Scorpio (October 24-November 21)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Canary Yellow
LUCKY NOS: 10, 15
Hindi mahirap ang humingi ng kapatawaran kung alam mong ikaw ay nakagawa ng pagkakamali. Ang pagpapakumbaba ay magdudulot ng positibong hinaharap para sa iyo. Makakatanggap ng lubos na respeto at paghanga mula sa taong kakilala, mga kaibigan at nakapaligid sa iyo dahil sa iyong pagpapakumbaba.

Sagittarius (November 22-December 21)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Brown
LUCKY NOS: 22, 33
May mga taong kahit di mo alam ay lihim na sumusubaybay sa mga ginagawa mo. Ang mga taong hindi mo alam kung naiinggit o sadyang naghahanap ng butas upang ikaw ay mapahamak. Kahit anong buti ng iyong gagawin ay may masisilip at masisilip silang butas para ikaw ay mapahamak. Iwasan ang mga negatibo at pagbutihin ang ginagawa.

Capricorn (December 22-January 19)

LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Lavender
LUCKY NOS.: 8, 26
Maingat sa mga taong may lihim na inggit sa iyo dahil sila rin ang nagpapakalat ng maling impormasyon ukol sa iyo. Ituloy mo lang ang mabuti at tamang gawain para mas lalong umunlad ang iyong buhay. Huwag kang magpapadala sa usap-usapan sa paligid mo.

Aquarius (January 20-February 18)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Orange
LUCKY NOS: 2, 21
May angkin kang talento na hindi mo dapat itago o ikahiya sa mga tao. Ipamalas sa mas nakararami mga tao at baka ito ang magdala sa iyo sa rurok ng tagumpay at kasaganahan sa buhay. Magkaroon ng lubos na tiwala sa iyong sarili.

Pisces (February 19-March 20)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Blue
LUCKY NOS: 5, 40
Agapan ang isang pangyayari na maaaring pagsisihan sa bandang huli. Bago sumuong sa isang sitwasyon ay dapat pag-isipan muna itong maigi dahil baka magbigay lamang ito ng pangit na karanasan para sa iyo. Mag-ingat sa mga gagawing desisyon sa buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *