Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

Starscope for the Month of April 2020

Aries (March 21-April 19)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Sky Blue
LUCKY NOS: 8, 19, 21, 24
Maganda ang pagkakataon para hanapin ang magandang negosyo na pwedeng paglaanan ng puhunan. Gamitin ang utak at talino para umunlad at kahit na may tumutol ay huwag itong maging distraction sayo para matupad mo ang iyong mga pangarap at ma-achieve ang goal.

Taurus (April 20-May 20)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Silver Grey
LUCKY NOS: 7, 14, 31, 40
Pagtibayin ang posisyon sa inyong trabaho sa pamamagitan ng magagandang mungkahi para sa ikauunlad ng kumpanya at negosyo. Ang lahat ng iyong ideya at mungkahi ay magkakaroon ng bunga kung hindi mo ito sasarilinin.

Gemini (May 21-June 21)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Red
LUCKY NOS: 8, 19, 21, 23
Maaaring makamit ang matagal nang pinapangarap. Iwasang maging sensitibo sa mga maliit na bagay na hindi naman dapat pagtuunan ng pansin. Upang manatiling balanse ang enerhiya ng kaligayahan, makakabuti ang maging mahinahon.

Cancer (June 22- July 22)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Lemon Green
LUCKY NOS: 12, 19, 26, 27
Ugaliing may ginagawa palagi para laging masigla ang pangangatawan. Magiging maagap sa lahat ng bagay kaya nasa tamang landas ang kaunlaran. Pag-ibig ang gabay sa pagsisikap. Pagkatiwalaan ang sarili sa mga pagpapasyang gagawin dahil alam mong magiging pinakamabuti ito.

Leo (July 23- August 22)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Orange
LUCKY NOS: 10, 15, 18, 38
Sikapin ang naalintalang mga gawain ay matapos bago sumapit ang hapon. Nasa ugali mo na tinatapos ang isang bagay na inuumpisahan at hindi ipinagpapabukas, ito ay isang mainam na trait mo. Ang kalusugan ay hindi magiging sagabal sa pagtupad ng tungkulin. Nasa sariling pagsisikap ang ikakaunlad.

Virgo (August 23- September 22)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Yellow
LUCKY NOS: 15, 28, 32, 39
Kumpetisyon sa trabaho lalo na sa promosyon ay magiging mahigpit. Ito ay dapat iwasan para hindi ka ma-distract sa iyong ginagawa. Subalit kung may promosyon sa pinapasukan, asahan na isa ka sa kanila. Isang kaibigan ang mangangailangan ng tulong, materyal o payo. Bigyan pansin ang kalusugan, magpahinga at mag relax.

Libra (September 23-October 23)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Cream
LUCKY NOS: 3, 16, 18, 38
Upang magtagumpay, magsaliksik ng mga detalye at iayon sa sarili. Kung may hindi nalalaman, huwag mahiyang magtanong. Umaayon ang panahon sa pagsasaliksik. May pagkakataong ikaw ay sasalungat sa gusto ng iba kaya maging medyo maingat upang hindi humantong sa hindi pagkakaunawaan.

Scorpio (October 24- November 21)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Maroon
LUCKY NOS: 7, 15, 23, 34
Walang katiyakan ang takbo ng panahon. Matutong sumayaw sa tugtog. Matutong makisama. Maaari kang mag-concentrate sa ilang mahahalagang bagay upang mabawasan ang mga antas ng stress. Dapat mag-relax, para makasagap ng magandang enerhiya. Ang paglalakbay para sa mga layuning pang-propesyonal ay magiging kapaki-pakinabang.

Sagittarius (November 22 -December 21)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Purple
LUCKY NOS: 9, 14, 20, 21
Pagtibayin mo ang iyong pag-control sa sarili dahil may susubok sa iyong pagtitimpi. Iwasang magalit para hindi masira ang araw at layuan muna ang mga kaibigang mapagbiro.  Sa pananalapi ng pamilya ay magiging mahusay. At kung may anak naman ang mga bata ay gagampanan ng maayos ang kanilang pag-aaral at mga aktibidad.

Capricorn (December 22- January 19)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Red
LUCKY NOS: 2, 24, 34, 42
Ang praktikal na gawain ay magbibigay ng kasiyahan. Magiging mas matalino at magsusumikap upang mapabuti ang mga kakayahan sa intelektwal at komunikasyon. Ang mababang sahod ay magbibigay ng katamaran sa gawain. Tatawag ang minamahal at dapat bigyan ng parehas na panahon ang tungkulin at ang pamilya.

Aquarius (January 20- February 18)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Tan
LUCKY NOS: 4, 8, 29, 42
Ang taglay na sipag at pagtitiyaga ay magiging mabisang puhunan para makamtan ang kaunlaran. Ang responsibilidad tungkol sa pamilya ay magiging pangunahin kaysa sa sarili. Ang iyong pagsusumikap ang magdadala sa iyo sa magandang estado ng buhay. Ipinapayo na hindi dapat makisali sa mga nakababahalang aktibidades.

Pisces (February 19- March 20)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Burgundy
LUCKY NOS: 12, 23, 26, 28
Daig ng maagap ang masikap. Kung may lalakarin, gawin ito agad sa umaga para magtagumpay. Magiging maayos ang lahat ng lalakarin kung magiging maagap ka at para naman mabigyan ng premyo ang sarili ay naaayon rin ang pamamasyal pagkatapos ng trabaho. Mag saya at mag relax para mawala ang stress.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *