Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

Starscope for the Month of April 2019

Aries (March 21-April 19)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Blue
LUCKY NOS: 6, 17, 25, 28, 46 at 49
Mahalagang balita ang matatatanggap na makakapagpabago ng istilo ng hanapbuhay o negosyo. Maging masinop lalo na sa pananalapi. Hindi masamang tumulong pero huwag pamihasain parang di maging tamad. Ang kinabukasan ng pamilya ang mas dapat unahin at pahalagahan.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20)
LOVE: ****
LUCK: ***
MONEY: ****
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Red
LUCKY NOS: 5, 18, 32, 39, 41, at 46

Iwasan ang mangako kung di kayang tuparin. May hindi inaasahang dahilan sa pagbabago ng iyong desisyon. Ang relasyong pampamilya ay mapagtitibay kung iyong nanaisin. Habang patuloy kang tumutulong sa iyong kapwa, tuloy-tuloy din ang dating ng suwerte at magandang kapalaran. Sa pag-ibig, hanggat marunong kang magparaya at magpasensya, tuloy ang maligayang relasyon.

Gemini (May 21-June 21)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ****
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Green
LUCKY NOS: 5, 17, 26, 34, 43, at 49
Ang matagal nang hinahangad ay maisasakatuparan na rin. Tama ang ginagawang pagiging masinop sa pananalapi at pagkukuripot, dahil ito ang magdadala sa iyo ng magandang kapalaran. Ang buhay pag-ibig at sa pamilya ay magiging masaya rin.

Cancer (June 22- July 22)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Beige
LUCKY NOS: 7, 11, 19, 23, 26, at 45
Huwag magpadala sa matinding bugso ng damdamin dahil madadala ito ng kapahamakan lamang sa iyo. May malamang matatanggap na magandang balita mula sa ibang bansa.  Huwag magpadaig sa emosyon. Pag-isipan mong mabuti ang pagpapasya lalo na kung ito ay patungkol sa pera.

Leo (July 23- August 22)
LOVE: ****
LUCK: ***
MONEY: ****
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Yellow
LUCKY NOS: 1, 8, 19, 22, 31, at 49
Isang kaibigan ang maaaring dumalaw sa iyo. Iwasang makipagtalo para maging maganda ang iyong araw. Ang bagong kakilala ay makakatulong sa negosyo o suliranin. Huwag talikdan ang mga bagay na sinimulan. May mga intrigang naka-abang, umiwas na makialam sa buhay ng iba. Paborable sa iyong kapalaran ang buwan na ito. Iwasan lang maubusan ng pasensiya.


Virgo (August 23- September 22)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Silver
LUCKY NOS: 4, 18, 27, 34, 38 at 49
Ang paglilingkod ng tapat sa pinapasukan ay patungo sa landas ng tagumpay mo ngayon. Mapapabuti ang kalagayang pinansyal. Iwasan na magkaroon ng pagtatalo. Wala nang ibang panahon kundi ngayon upang magbago! Disiplinahin ang sarili na magtipid. Sa pag-ibig, patuloy na maghanap ng nararapat na mamahalain.

Libra (September 23-October 23)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Red
LUCKY NOS: 6, 18, 22, 25, 41 at 48
Iwasan ang makipagtalo sa mga kasamahan sa trabaho o sa kasambahay. Isang masayang romansa ang mangyayari. Ayusin ang mga schedule nang hindi mag-kabuhul-buhol ang gawain. Sa pinansyal laging maglaan ng pera para sa mga bagay na pang emergency.

Scorpio (October 24- November 21)
LOVE: ****
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Purple
LUCKY NOS: 4, 9, 18, 34, 39 at 42
Ibuhos ngayon ang lahat ng kakayahan sa gawain. Kailangan ingatan ang pananalapi, o anumang mahalagang gamit. Sa pag-ibig tama lang na ipagpatuloy ang relasyon sa iyong minamahal. Sa pinansyal ituloy ang negosyong may kaugnayan sa pagkain. Sa ganyang pamamaraan ituloy lang  ang kasalukuyang ginagawa, higit kang mas magiging maligaya at sasagana sa buhay.

Sagittarius (November 22 -December 21)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Maroon
LUCKY NOS: 3, 18, 27, 38, 42 at 48
Magplano ng maigi at maayos ang gagawin. Iwasan ang maging emosyonal o sensitibo dahil ito ay makaka-apekto sa iyong mga desisyon. Lakas ng loob at tiwala sa sarili ang kailangan. Kapag malakas ang iyong loob at may tiwala ka sa iyong sarili, mas madali kang uunlad at yayaman.

Capricorn (December 22- January 19)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Lilac
LUCKY NOS: 8, 18, 21, 33, 42 at 48
Iwasan ang magalit o mag-init ang ulo. Mag-ingat sa mga taong mapagbiro at mapaghamon sa iyong pagtitimpi. Magtatagumpay sa anumang mahirap na gawain.
Ituloy ang kasalukuyang hanap buhay at dagdagan pa ang pagsisipag, darating din ang araw kusa kang yayaman.

Aquarius (January 20- February 18)
LOVE: ***
LUCK: ****
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Jade Green
LUCKY NOS: 4, 13, 28, 37, 39 at 44
Ang anumang klase ng transaksyon ay magiging matagumpay kung gagawin ito sa umaga. Iwasang gumamit ng masasakit na salita para di makasakit ng damdamin ng kapwa. Matutuklasan na may lihim na tagahanga. Iwasan ang magalit o mag init ang ulo.

Pisces (February 19- March 20)
LOVE: ***
LUCK: ****
MONEY: ****
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Pink
LUCKY NOS: 7, 16, 25, 34, 37 at 43
Unawain at pag-isipang mabuti bago lumagda ng anumang kasulatan. Huwag magtiwala agad sa mga taong kaharap. Isang kaibigan na may lihim na galit sa’yo ang matutuklasan. Maganda ang iyong kapalaran. Aangat ng husto ang kinikita habang walang magagawa ang kasuyo kundi ang suportahan ka sa lahat ng iyong mga proyekto at pinagkakaabalahan.