Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Gotong Batangas

Ang Goto ay isa sa pinaka-paboritong merienda ng Pinoy.  Puno ng bawang at luya at laman ay hiniwang tuwalya ng baka (tripe). Sa Batangas, ang Gotong Batangas ay maraming sangkap.  Hindi lamang bigas kundi puno rin ng lamang-loob ng baka at karne.

Sangkap

  • 200 g beef shank meat, hiwaing maliit na pakuwadrado
  • 300 g beef tendon, hiwaing maliit na pakuwadrado
  • 200 g honeycomb tripe, pakuluan
  • 200 g blanket tripe, pakuluan
  • 200 g beef heart, hiwaing maliit na pakuwadrado
  • 100 g beef liver, hiwaing manipis
  • 4 pirasong siling haba, hatiin sa dalawa
  • 1 litrong hugas bigas
  • 500 ml beef stock
  • 1½ tasang cane vinegar
  • 1 tbsp annatto powder
  • asin
  • paminta
  • 2 pirasong sibuyas na pula, tadtarin
  • 1 ulo ng bawang, tadtarin 
  • 1 katamtamang laki ng luya, hiwaing manipis na pahaba
  • mantika
  • tinadtad na spring onions, pang-ibabaw ng goto
  • piniritong bawang, pang-ibabaw ng goto

Paraan

  1. Sa isang malaking bowl, ibabad ang dalawang klase ng tripe (tuwalya) sa isang tasang suka at tamang dami ng asin at itabi sa loob ng 30 minuto.
  2. Pagkatapos ng 30 minuto, salain ang tripe at hugasan sa gripo at tuyuin ang natitirang tubig mula sa tripe.
  3. Hilamusan ng asin at paminta ang shank meat, tripe at heart. Lagyan ng mantika ang kaserola at ilagay ang mga lamang-loob ng karne at haluin hanggang magkulay brown, hanguin at ilagay sa bowl at ibuhos ang natitirang kalahating cup ng suka at ibabad.
  4. Gamit ang parehong kaserola magdagdag ng mantika kung kinakailangan at igisa ang bawang, sibuyas at luya.
  5. Ilagay ang annatto powder, haluing mabuti hanggang matunaw sa mantika ang powder.
  6. Ilagay ang beef tendon at ibuhos ang hugas bigas at beef stock. Pakuluin sa mababang apoy sa loob ng 1 oras.
  7. I-drain ang suka mula sa tripe, heart at shank meat, ilagay ito sa kaerola at ituloy ang pagpapakulo ng 1 oras sa mahinang apoy.
  8. Ihalo ang siling haba at beef liver at ituloy ang pagpapakulo sa karagdagang 20 minuto at lasahan ng asin at paminta.
  9. I-serve sa bowl at lagyan ng tinadtad na spring onion at piniritong bawang sa ibabaw.

Para sa iba pang recipe, bisitahin ang www.angsarap.net