Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

STARSCOPE FOR THE MONTH OF AUGUST

Aries (March 21-April 20)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: strawberry red
LUCKY NOS: 8, 17, 26, 35
Ang ilang pagbabago, kahit na para sa mabuti ay sadyang mahirap gawin lalo na kung ang dati mo nang gawi ay nakasanayan na. Pero hindi dapat sumuko kung para sa ikabubuti ng sarili at kapwa ang ginagawa. Walang mahirap sa taong nagtitiyaga. Pairalin ang sipag at tiyaga.

Taurus (April 21-May 21)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: blue gray
LUCKY NOS: 12, 26, 34, 41
Asahang marami ang trabahong gagawin ngayong buwan. Matatapos ito kung iiwasan ang makipagkwentuhan at mag-concentrate lamang sa ginagawa. Tiyak na mahahapo at mapapagod subalit masarap ang pakiramdam dahil natapos mo ang dapat tapusin. Dapat mag-focus sa anumang gagawin at mag-seryoso dahil hindi ka na bumabata at dapat sa ngayon ay may direksiyon ka nang tinatahak.

Gemini (May 22-June 21)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: fuchsia
LUCKY NOS: 4, 18, 37, 45
May hindi inaasahang magaganap. Magkikita kayo ng iyong dating kaibigan. Tiyak na maraming oras ang magugugol dahil sa sobrang dami ng kuwento nang mga ito. Walang dapat panghinayangan. Gamitin ang panahon sa mga makabuluhang bagay. Mahusay mong nahahawakan ang bawat responsibilidad na iniatang sa`yo subalit mag-ingat sa mga taong lihim na may galit sa`yo.

Cancer (June 22-July 23)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: beige
LUCKY NOS: 10, 29, 31, 42
Ikaw ay mahusay magtago ng nararamdaman. Walang dahilan upang magkunwaring masaya kung taliwas naman ito sa tunay na nararamdaman at maktong natural. Pinakamahirap sa lahat ang niloloko mismo ang sarili. Maging tapat sa sarili at kapwa.

Leo (July 24-August 22)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Sunday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: lavender
LUCKY NOS: 12, 25, 35, 44
Hindi maiiwasan ang kompetensiya sa kahit anong larangan pero huwag itong bigyan ng sobrang pansin. Gawin ang nararapat nang hindi nakikipagmagalingan sa iba. Sariling sikap ang dapat pairalin. Alam mo sa sarili mo na kaya mong gawin ang kahit na ano basta napagtitiyagaan kaya maging mas masikap.

Virgo (August 23-September 23)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: sky blue
LUCKY NOS: 5, 18, 32, 42
Maaayos ang samahan sa pagitan ng mga kaibigan at kasamahan sa trabaho. Marami ang umaasa na magagawa ng mahusay ang nakaatang na responsibilidad. Huwag matakot mabigo dahil ito ang daan sa tagumpay. Ikaw ang taong habang nabibigo ay lalong tumitibay.

Libra (September 24-October 23)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: lilac
LUCKY NOS: 5, 18, 26, 30
Magpalamig muna ng ulo bago humarap sa ibang tao. Tiyakin na ang ikinagagalit ay hindi madadala saan pa man at makapandadamay ng taong hindi naman dapat madamay. Sa panahong ito, ikaw ay madalas na magiging mainitin ang ulo kung kaya’t hinahon ang kailangan.

Scorpio (October 24-November 22)
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: silver
LUCKY NOS: 8, 16, 31, 43
Piliing mabuti ang mga sasamahang kaibigan at ang pupuntahang lugar. Magandang pagkakataon ito para makakilala ng isang taong makakatulong sa inyong pag-unlad.

Sagittarius (November 23-December 21)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: golden brown
LUCKY NOS: 3, 19, 34, 43
Anumang desisyon na gagawin, ituloy lamang basta’t nakakatiyak na hindi makakasagasa ng ibang tao. Ikaw ang higit na nakakaalam sa iyong gusto kaya huwag asahang may magdedesisyon para sa iyo.

Capricorn (December 22-January 20)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: mint green
LUCKY NOS: 4, 18, 25, 30
Labis na ang pangungulila sa kasintahan pero walang magagawa sa ngayon kundi ang magtiis. Isipin lamang na pagsubok ito sa relasyon na kahit magkalayo ay patuloy namang tumitibay ang samahan.

Aquarius (January 21-February 19)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: mint green
LUCKY NOS: 4, 18, 25, 30
Ang tahanan ay mapagtutuunan ng buong pansin. Magiging mainit ang ulo sa mga kaguluhang makikita. Hinahon ang dapat pairalin para walang masaktan na damdamin.

Pisces (February 20-March 20)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: white
LUCKY NOS: 10, 23, 31, 39
Kung may pinaplanong gawin, isipin munang mabuti kung ano ang mga hakbang para ditto. Saka ito ayusin ayon sa pagkakasunod nang hindi malito. Tiyakin na magiging organisado ang bawat kilos.