Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Travel

Spring Time Flower Festivals

Kapag pinagu-usapan ang Spring, ang unang pumapasok sa ating isip ay ang pag-usbong ng mga bulaklak. Ang bansang Japan ang dinarayo ng maraming turista o lokal lalo na sa pagsapit ng spring dahil sa kanilang pamosong cherry blossoms at hindi lang yan, may iba’t ibang klaseng
magagandang bulaklak rin silang ipinagmamalaki. Kaya naman sa tuwing sasapit ang Spring ay naghahanda na ang mga bisita mula sa iba’t ibang panig ng Japan at maging mga turista mula sa iba ng bansa upang saksihan ang Flower Festivals sa Japan.

At narito ang ilang piling lugar na pwedeng dayuhin sa panahon ng Spring habang kayo ay nasa
Japan.

Sakura Tulip Festa

Photo credit: Twitter chiba-tulip-festival

Ang ipinagmamalaking Tulip festival malapit sa Tokyo. Bukod sa cherry blossoms ay marami pang iba’t ibang klase ng bulaklak ang namumukadkad sa panahon ng spring at ito ang pinakamalaki dahil may 600,000 na colorful Tulip flowers (pula, dilaw, pink at puti) ang tumatakip sa malawak na lupain na mayroon ding Dutch style na windmill na sadyang kinalulugdan ng mga bisita. Maraming events na nagaganap tulad ng pagre-renta ng dutch costume, tulip picking, organ performance at maraming booth na nagbebenta ng local foods at souvenirs. Isang perfect getaway para ma-enjoy ang panahon at nature.

Location: Sakura Furusato Square (Usuida 2714, Sakura City Sakura City Chiba)
Hours: 9:00AM~4:00PM
Admission: Free
Official website: http://www.city.sakura.lg.jp.e.dj.hp.transer.com/0000000042.html

Fuji Shiba-Sakura Festival


Ang Fuji Shiba-Sakura Festival ay ginaganap taun-taon at dinarayo ng mahigit sa 500,000 bisita para masaksihan ang mga naggagandahang bulaklak nito (pink moss o phlox moss sa English). Mahigit sa 800,000 pink moss flowers ang nakatanim sa malawak na lupain sa paanan ng Mt.Fuji. At sa festival, 5 iba’t ibang makukulay na pink moss ang makikita. Bukod sa flower viewing ay mayroon ding food festival na nago-offer ng lokal na street food at inumin.Mahigitisang buwan ginaganap ang festival mula sa kalagitnaan ng Abril at ang best time napagpuntadito ay sa unang linggo ng Mayo.

Location: 〒401-0337 212 Motusu, Fujikawaguchiko, Minamitsuru Yamanashi
Admission: 600 yen
Date: 18 April to 31 May 2020
Official Website: http://www.shibazakura.jp/eng/

Tenjin Shrine Wisteria Festival

Photo credit by: kameidoblog.seesaa.net-190419

sa sa popular na spring flowers ay ang Wisteria (Fuji sa Japanese). Ang kulay purple nabulaklak ay naguumpisang umusbong sa kalagitnaan hanggang late April at maraming wisteria events ang ginagaganap sa iba’t ibang panig ng Japan. Ang festival ay nagpi-feature ng daaan-daang makukulay na wisteria flowers na nakaka-attract sa maraming bisita sa tuwing sumasapit ang ganitong panahon. Ang festival ay ginaganap sa loob ng 3 linggo mula sa kalagitnaan ng April hanggang early May.

Location: 〒136-0071 3-6-1 Kameido, Koto-ku, Tokyo
Date:18April to 6 May 2020
Admission: Free
Official website: http://kameidotenjin.or.jp/gallery/fuji/

Bunkyo Azalea Festival


Ang Bunkyo Azalea Festival (Bunkyo Tsutsuji Matsuri) ay taunang flower festival na ginaganapsa Nezu Shrine sa Bunkyo ward sa Tokyo. Ang Azalea Festival ay naguumpisa pagkatapos ng cherry blossom season. Ang festival ay makikita kungn asaan ang shrine. Nakikita ang Azalea garden sa malawak na 6600 square meters na lupain. Isa rin sa ipinagmamalakinila ay ang pondatang Senbon Torii.

Location: Nezu Shrine 1-28-9 Nezu, Bunkyo-ku
Date: April-May
Hours: 9:00AM ~ 5:30PM
Admission: 200 yen
Official website: https://www.city.bunkyo.lg.jp/tutuji.html

Nemophila Harmony


Isa sa pinaka-aabangang pag-usbong ng mga bulaklak ay ang Nemophila (baby blue eyes).Ang bukid na matatagpuan sa may Hitachi Seaside Park sa Ibaraki prefecture. Ang 190 hectare parkna nagpi-feature ng iba’t ibang seasonal flowers sa buong taon pero ang pinakahihintay ng mgalokal at bisita ay ang Nemophila Harmony. Mga higit kumulang na 4.5 million blue nemophila flowers ang umuusbong sa Miharashi Hills na nagta-transform sa malawak na lupain na parang isang blue ocean.

Location: 〒311-1201 Ibaraki-ken Hitachinaka-shi Ajigaura-chō 552-18
Date: Mid April to Early May
Hours: 9:30AM~5:00PM
Admission: 410 yen
Official website: https://hitachikaihin.jp/hana/nemophila.html