Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Sports Education, tinututukan na rin ng DepEd

Tutok na rin ngayon ng Department of Education (DepEd) sa pagpapalakas sa “Sports Education” upang gabayan ang mga potensyal na atletang nasyonal at mga nais maging “sports coach” bilang trabaho sa hinaharap. Nagsasagawa na ngayon ang DepEd ng mga “training workshops” para sa mga guro ukol sa “Special Program on Sports (SPS)” bilang bahagi ng bagong kurikulum ng K to 12 Program. Hinati sa dalawang bahagi ang training-workshop kabilang na ditto ang option para sa “world of work” at option para sa “higher education”. Dito maaaring pumili ang estudyante ng “degree” sa kolehiyo ukol sa sports o ituloy ang edukasyon bilang “coach, o physical fitness instructor”. Kabilang sa pagsasanay ang diskusyon sa “sports ethics, sports marketing, at sports psychology”.  “By orienting our students and teachers with the different fields related to the Special Program on Sports, they will be fully equipped with knowledge and processes that can be readily applied to their future careers,” ayon sa DepEd. –(Philstar)