Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Alien registration pinabilis ng BI

Pinabilis ng Bureau of Immigration (BI) ang pagrerehistro ng mga banyaga na nasa bansa. Ito’y matapos magpalabas ng bagong patakaran si Immigration Commissioner Ricardo David Jr.  Sa pamamagitan ng isang memorandum circular na magpapadali sa pagproseso ng aplikasyon ng Alien registration identity card o ACR-I-Card. Alinsunod sa naturang bagong alituntunin, kailangan hindi lumampas sa limang araw ang pagproseso ng ACR-I-Card.

Nakapaloob sa memo ni David na may kaukulang parusa ang sinumang kawani ng BI kapag hindi sinunod ang kanyang ibinigay na timeline sa pagpo-proseso ng nabanggit na dokumento. Ika nga ng iba na tama ang gagawing ito ng BI upang maiwasan ang korupsyon sa loob ng Bureau of Immigration na matagal na anila na sinasabing talamak ang “lagayan system.” –(Philstar)