Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Slowly Braised Oxtail

Sangkap:
  • 2 kg buntot ng baka ( oxtails)
  • 2 carrots, tadtarin
  • 2 parsnips, tadtarin
  • 1 turnip, tadtdarin
  • 2 sibuyas, tadtaring pino
  • 6 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliit
  • 3 kutsarang tomato paste
  • 3 tasang beef stock
  • 3 tasang tubig
  • 1 kutsaritang dried thyme
  • 2 pirasong bay leaves
  • asin
  • paminta
  • mantika
Paraan:
  1. Lagyan ng asin at paminta ang buntot ng baka.
  2. Sa isang mainit na kaserola, maglagay ng mantika, at ilagay ang buntot ng baka at iprito hanggang magkulay brown. Kapag brown na ang kabuuan, hanguin mula sa kaserola at itabi.
  3. Ibaba ang init ng apoy at igisa ang bawang at sibuyas. kapag ang sibuyas ay medyo malambot na, ilagay ang tomato paste, beef stock, water, dried thyme at bay leaves. Pakuluin.
  4. Ibalik ang buntot ng baka at pakuluin sa mababang apoy sa loob ng 1 1/2 oras.
  5. Idagdag ang carrots, parsnips at turnips at pakuluin sa loob ng 45 minuto hanggang 1 oras o hanggang sa ang buntot ng baka ay lumambot.
  6. Lasahan ng asin at paminta.

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net