Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

Megan Lynne Young: Miss World 2013

Megan Lynne Young

 

” Hey, Did You Happen To See the Most Beautiful Girl in the World?” Ang awiting ito ang nakapagpapaalala sa akin nung aking kabataan na kapag may beauty contest na ginaganap ay ito ang pinapatugtog.

Kapag may beauty pageant sa iba’t ibang panig ng mundo, laging kasama ang Pinay kundi sa top 15, top 10 o maging sa top 5. May mga pagkakataon din na nasusungkit ng bansa ang pinakamataas na karangalan tulad nina; Gloria Diaz para sa Miss Universe 1969, Margie Moran bilang Miss Universe 1973, Aurorra Pijuan bilang Miss International 1970, Melanie Marquez bilang Miss International 1979, Mutya Johanna Datul bilang Miss Supranatural 2012 at si Megan Lynne Young bilang kauna-unahang Miss World ng Pilipinas sa taong 2013.

Sila ay ilan sa mga Pilipina na nagbigay karangalan sa ating bansa sa pamamagitan ng kanilang talent at talino sa pagpapakita ng kakaibang talento at kagandahan na hinangaan at kasalukuyang hinahangan sa buong mundo.

Kapag binanggit mo ang pangalan ni Megan Young, marami ang nakakakilala sa kanya dahil isa siyang artista. Supporting roles man ay nag-iwan din siya ng tatak sa puso ng mga Pinoy sa larangan ng pag-arte.

Beginning

Si Megan Lynne Young ay ipinanganak sa Amerika. Ang kanyang ama ay isang Amerikano at ang kanyang ina ay isang Pilipina. Sa edad na 10 ay bumalik silang mag-anak sa Olongapo kung saan ay nagtapos siya ng secondary education sa Regional Science High School III sa Subic Bay Freeport Zone at kasalukyuang kumukuha ng major sa Digital Film Making sa De La Salle-College of Saint Benilde, Manila.

Career

Una siyang nagkaroon ng break sa larangan ng showbiz sa pamamagitan ng isang talent reality search ng GMA 7, StarStruck, kung saan napasama siya sa top 6. Kahit na napasama siya sa top 6, ang inaasahan niya career ay hindi pa rin bumulusok. Ang mga proyektong naibibigay sa kanya ay hindi ganung kamarkado upang tumatak sa isipan ng mga tao kung kaya makaraan ng 2 taon bilang contract star ng GMA Artist Center, napagpasiyahan ni Megan na sundan ang kanyang kapatid na si Lauren Young, kasama sa Star Magic Circle 13, sa karibal na istasyon ng GMA 7, ang ABS- CBN. Si Megan ay napasama sa Star Magic batch 15 at dito siya nagsimulang mapasama ng sa iba’t ibang tv shows ng Channel 2.

Bilang bagong talent ng ABS-CBN ay lumabas siya sa isang youth oriented show “Star Magic Presents” Astigs at Abt Ur Luv. Bukod dito ay lumabas siya sa iba pang mga telesreye ng ABS ang KOKEY kung saan nakasama niya si Zanjoe Marudo. HIndi man tumatak sa isipan ng mga manonood ang mga roles na ginampanan ni Megan ay nandun pa rin siya sa estadong nakikita siya at umaapir sa telebisyon upang hindi malimutan ng mga manonood. Bago siya pumasok sa PBB house, inihanda na niya ang sarili tulad ng pagtulog ng mag-isa at paggawa ng mga simpleng bagay o trabaho sa bahay at sa kanyang edad na bata pa ay naniniwala siya na marami pang espasyo upang matutunan niya ang reyalidad ng buhay. Sa loob ng ‘Bahay ni Kuya’ ay nakilala siya bilang “Princess of Charm” dahil lahat ng simpleng atas ay may gumagawa para sa kanya. Hindi man siya pinalad at siya ay na-evict mula sa Bahay ni Kuya ay marami din siyang natutunan tulad ng pagtanggap ng mga bagay na hindi niya kayang gawin. Ang pagkakasama niya sa cast ng Kokey at gampanan ang role na Shane ang nagbigay ng daan upang siya ay maging popular at maging bukambibig ng mga manonood ng naturang serye. Pagkatapos ay napasama siya sa remake ng popular na teleseryeng “I Love Betty La Fea” at ginampanan niya ang role na Marcela.

Taong 2009, ipinakilala siya bilang isa sa video jockeys para sa re-launching ng Channel V Philippines. Nagamit din ni Megan ang kanyang talento bilang isang host sa iba’t ibang shows ng cable channel ng ABS-CBN ang Studio 23. Ang big break na maituturing ni Megan mula sa ABS CBN ay ang pagpili sa kanya upang gumanap bilang lead actress sa Hiyas kung saan nakatambal niya muli si Zanjoe Marudo sa pangalawang pagkakataon.

Pagkatapos ng stint niya sa ABS-CBN ay lumipat si Megan ng ibang network at ito ay ang TV5 taong 2013. Kung saan napasama siya sa cast ng sikat na teleseryeng Misibis Bay at ang Never Say Goodbye. Wika ni Megan, siya ay masaya siya at napasama siya sa teleseryeng Misibis Bay. Kahit na pa kailangan niya i-sakripisyo ang ilang trabaho at ilang appointments niya sa Maynila ay sulit naman lahat ng pagod niya dahil maganda ang pagtanggap ng mga manonood sa kanya. Nagpapasalamat din siya sa suporta at pang-unawang ibinibigay sa kanya ng kanyang mga kaklase.

Megan Lynne Young

Education and Showbusiness

Ang busy schedules sa mga shows at sa telebisyon ay hindi naging dahilan upang hindi ipagpatuloy ni Megan ang kanyang paga-aral. Siya ay kumukuha ng Digital Film Making sa De La Salle-College of Saint Benilde.
Ipinagtapat ni Megan na mahilig siyang magsalita at siya ring dahilan umano kung bakit siya ay maaaring mahing mahusay na talk show host. Mahilig siyang magbasa at kinalugdan niya ng husto ang pagbbasa ng Harry Potter series. Masasabing isa siyang ordinaryong dalaga na kapag hindi busy o abala sa kanyang mga showbiz o school schedules ay ginagawa niya ang mga ginagawa ng ordinaryo dalagang tulad niya. Nagbabasa ng libro, magazine o nagpupunta sa mall kasama ang mga kaibigan. Inamin niyang ang kanyang secret dream na gusto niyang maisakatuparan ay ang maging isag editor ng isang fashion magazine. ( bigla tuloy pumasok sa isipan ko ang pelikulang Devi Wears Prada kung saan si Meryll Streep ang bida at mahusay niyang ginampanan ang role bilang isang mahigpit subalit effective na fashion editor).

Kasalukuyang taon nang mapagdesisyunan ni Megan na sumali sa isang patimpalak kagahan ay sinuportahan siya hindi lamang ng kanyang pamilya kundi pati na rin ng kanyang mga kasamahan sa showbusiness. Alam ng marami na magiging malaki ang laban ni Megan dahil sa bukod sa kanyang height at kagandahan ay may talino rin naman ang dalaga. Hinirang siya na maging Miss World Philippines upang maging kalahok ng Pilipinas para sa Miss World na ginanap sa Bali, Indonesia. Sa kung ilang taon ay naging mailap sa bansang Pilipinas ang title na Miss World. Ang pinakamalapit na finalist para sa Miss World ay si Gwendoline Gaelle Ruais na naging first runner up noong taong 2011 at noong 1993 ay si Ruffa Gutierrez bilang 2nd runner up.

Sa preliminaries pa lang ay marami na ang humuhula na makukuha ni Megan ang titulo dahil na rin sa paborito siya hindi lamang ng mga manonood kundi pati na rin ng mga judges at ng kapwa contestants niya sa naturang patimpalak. Makuha ni Megan ang “Top Model” competition at pumang-apat siya sa “Multimedia Challenge” at pang lima naman sa “Beach Beauty” contest. Nakuha din ni Megan ang titulong Continental Queen of Beauty title bilang Miss World Asia 2013, ang pinakamataas na puwesto na kasali sa kabuuan ng Asian region.
Ngayong umuwi siya sa Pilipinas upang magpasalamat ay sinalubong siya ng mga kababayan niya ng buong sigla at umaasang magampanan niya ng buong tatag ang kanyang bagong titulo bilang Miss World. Mabuhay ka! Megan Lynne Young.

Comments are closed.