Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Sliced Tenderloin Steak in Butter Sauce

Sangkap:
  • 3 pirasong 150 g tenderloin steak cuts
  • 4 kutsarang butter
  • 2 kutsarang cream
  • 2 kutsaritang flour
  • 4 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliit
  • asin
  • paminta
  • mantika
Paraan:
  1. Hilamusan ng asin at paminta ang tenderloin steak cuts at hayaan sa room temperature sa loob ng 15 minuto.
  2. Ilagay ang skillet sa mataas na temperatura ng apoy at maglagay ng tamang dami ng mantika, ilagay ang steak at iluto sa loob ng 4 minuto sa bawat side . Hanguin mula sa skillet at ilagay sa plato at hayaan sa loob ng 5 minuto.
  3. Hiwaing pakuwadrado ang piraso ng beef tenderloin. I-tabi ang anumang juice na makukuha mula sa beef.
  4. Sa malaking kawali, maglagay ng butter at bawang, lutuin sa mahinang apoy, huwag hayaang masunog ang bawang, iluto ito ng katamatamang golden brown at saka ilagay ang juice mula sa beef, at ihalo ang harina, cream at lutuin hanggang ang sauce ay lumapot.
  5. Ihalo ang itinabing lutong beef at ihalo kasama ang butter sauce. Hanguin mula sa kawali at ihain.

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net