Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Sinigang na Sinangag

Sangkap:

Pork

· 800 g boneless pork belly (liempo)

· 1 malaking pakete ng sinigang mix

· 2 pirasong siling haba

· 1 malaking sibuyas, hiwaing makaapat

· 1 malaking kamatis, hiwaing makaapat

· asin

· paminta

· mantika, pang deep frying

Rice

· 3 tasang Jasmine rice

· 3 pirasong katamtamang laki ng kamatis, hiwaing makaapat pang-garnish

· 2 kutsarang sinigang mix (i-adjust na ayon sa gusting asim)

· 6 pirasong bawang

· mantika

Vegetables

· 12–15 pirasong okra

· 12–15 pirasong kangkong leaves

· 1 tasang harina

· 1 kutsarang cornstarch

· 1½ tasang malamig na tubig

· 1 kutsaritang baking powder

· ½ kutsaritang asin

· mantika, pang deep frying

 

Paraan:

Pork

1. Isang araw bago ihain ang ulam na ito, magpakulo ng tamang dami ng tubig, kapag kumulo na ay ilagay ang liempo o pork belly at hayaang kumulo sa loob ng 5 minuto.

2. I-drain ang likido at hugasan ang baboy at alisin ang dumi sa kaserolang pinaglagaan ng liempo. Ibalik ang liempo sa kaserola at ilagay ang sibuyas, siling haba at kamatis, dagdagan ng tubig para matakpan ang karne. Ihalo ang sinigang mix at pakuluin sa loob ng 1 oras o hanggang lumambot ang liempo. Lasahan ang sabaw ng asin at paminta.

3. Hanguin ang liempo mula sa kaserola, itabi ang sabaw at hugasan ang liempo sa tubig at hayaang lumamig, at saka ilagay sa ref sa loob ng 6 na oras.

4. Sa araw ng paghahain sa ulam, ihanda ang kawali at lagyan ng mantika, painitin ( 180C) at i-deep fry ang liempo hanggang maging malutong ito, hanguin mula sa kawali at itabi.

Rice

1. 1 araw bago ihain ang lutuing ito, hugasan ang bigas sa tubig.

2. Ilagay ang bigas sa rice cooker kasama ang 3 tasang itinabing sabaw mula sa pinaglagaan ng karneng baboy. Hayaang maluto ang kanin.

3. Kapag luto na at haluin at hayaang lumamig.

4. Kapag malamig na ang kanin, ilagay sa ref na walang takip sa buong magdamag.

5. Sa araw ng paghahain, ihanda ang kawali at igisa ang bawang.

6. Haluin ang kaning galing sa ref at ilagay sa kawali at isangag sa loob ng 5 minuto.

7. Ilagay ang sinigang mix at haluin s aloob ng 3 minuto. Hanguin mula sa kawali at itabi.

Vegetables

1. Sa isang malaking mixing bowl, maglagay ng ice cubes at maglagay ng maliit na bowl sa ibabaw nito.

2. Paghaluin ang lahat ng sangkap ng batter maliban sa mantika at gulay, paghaluin sa tamang dami ng tubig, sapat para mabasa ang harina, huwag haluing mabuti.

3. Painitib ang mantika sa kawali pang deep fry .

4. Ilubog ang bawat piraso ng gulay sa batter at ilagay sa pinainit na mantika. 3 piraso bawat luto at wisikan ng cold batter ang kawali. Ito ang magbibigay volume at texture sa bawat piraso ng gulay. Lutuin hindi hihigit sa 1 minuto o hanggang medyolight brown ang kulay.

5. Hanguin lahat mula sa kawali at ilagay sa isang plato na may paper towel at iluto ang natitirang sangkap.

Bringing together

1. Pag naluto na lahat ay ilagay ang fried rice sa isang bowl, ilagay sa ibabaw ang crispy fried pork at tempura vegetables, lagyan ng kamatis sa ibabaw pang garnish at saka ihanda.

Note:

Pinaka-mainam ang preparasyon 1 araw bago ihanda ang pagkain, ilagay sa ref ang kanin at pork.

Recipe and photo credits: www.angsarap.net