Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Kaldereta with Peanut Butter (Caldereta and Kare-Kare fusion)

Sangkap:

· 1 kg beef ribs, Pang stew, hiwaing pakuwadrado (cubed)

· 2 pirasong katamtamang laki ng patatas, hiwaing pakuwadrado at i-deep fry

· 2 medium carrots, hiwaing pakuwadrado

· 1 malaking siling pula ( bell pepper), hiwain

· 1 malaking lata ng tomato puree

· 3 kutsarang tomato paste

· 2 kutsarang peanut butter

· 2–4 red birds eye chillies, hiwain

· 3 tasang beef stock

· 3 pirasong bay leaves

· 1 sibuyas na pula, tadtarin

· 6 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliit

· paminta

· asin

· mantika

Paraan:

1. Sa kaserola, igisa sa mainit na mantika ang bawang hanggang medyo malutong at golden brown ito. Hanguin mula sa kaserola at itabi ang bawang

2. Ilagay ang sibuyas at igisa hanggang lumambot.

3. Ilagay ang beef at haluin hanggang magkulay brown ang kabuuan ng beef.

4. Ilagay ang beef stock at bay leaves,pakuluin.

5. Ilagay ang tomato puree at carrots, pakuluin sa loob ng 1½ oras sa mahinang apoy , magdagdag ng tubig kung kinakailangan.

6. Ilagay ang peanut butter at ituloy ang pagpapakulo sa karagdagang 15 minuto.

7. Ilagay ang tomato paste, bird’s eye chillies at bell pepper at pakuluin sa karagdagang 15 minuto. Pagkaluto ay ihain habang mainit,lagyan sa ibabaw ng piniritong malutong na bawang.

Recipe and photo credits: www.angsarap.net