Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

News

Senate President Tito Sotto at Senator Ping Lacson na nga ba ang Tandem sa 2022?

Nagpahayag na sina Senate President Tito Sotti at Senator Panfilo “Ping” Lacson bilang magkatandem sa darating na Presidential election 2022.  Si Senator Sotto ay tatakbong Vice President at si Senator Lacson naman ang Presidente.

Bukod sa kanilang dalawa ay may mga personalidad pa silang inaabangan na magbibigay ng “oo” para makasama sa kanilang senatorial line up.

Abangan na lang natin dahil marami ang gustong tumakbo kaya mukhang magiging makulay ang darating na eleksyon 2022 pero ang pakiusap lang ng DOH na sundin pa rin ang health protocol lalo na’t nakapasok na sa Pilipinas ang Delta variant na lubhang mabagsik at mataas ang rate ng hawahan.