Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Dayuhan, nagme-may-ari ng PLDT

Nakakagulat na malamang ang Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT) pala ay paga-ari ng dayuhan.  Ito ang pinanindigan ng Korte Suprema.  Magkagayunpaman, ayon sa Korte Suprema, maaari pa diumanong itama ng PLDT ang paglabag sa Sec. 11, Art. XII ng 1987 Constitution na nagtatakda na ang foreign ownership of corporation sa bansa ay dapat limitado lamang sa 40 porsiyento. Matatandaan na noong June 28, 2011 decision ng SC ay inatasan nito ang SEC na i-determina kung may paglabag sa nasabing probisyon ang PLDT, agad namang naghain ng MR si Pangilinan. Ito ay nag-ugat sa petisyon ni Atty. Wilson Gamboa kung saan ibinunyag nito na ang First Pacific Company na isang Hong Kong firm ay nagmamay-ari ng P61.8 porsiyento ng PLDT.-(Abante)