Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

CCT funds mahihirapan na makalusot

Sa loob ng dalawang taon ay nakalusot sa mga mambabatas ang pagpasa ng budget para sa Conditional Cash Transfer (CCT) program.  Subalit may mga nagsasabing sa ikatlong pagkakataon ay mukhang hindi na ito makakalusot. Ito ay  dahil karamihan umano sa mga mambabatas ay hindi pabor sa CCT program ng Aquino administration subalit napilitan lamang ang mga ito na palusutin ang nasabing programa dahil sa pakikisama sa Malacañang.  “Sa totoo lang, hindi pabor ang marami sa amin dito sa House kasi hindi dole-out ang kailangan ng mga tao kundi trabaho,” pahayag ng isang administration solon na hindi nagpabanggit ng pangalan kapalit ng impormasyong ito.

Sa susunod na taon ay magiging P45 bilyon ( P11 bilyon noong nakaraang taon) na ang ilalaang pondo para ipamigay sa mga ‘poorest of the poor families’ sa buong bansa.

Ayon naman kay Gabriela party-list Rep. Emmi de Jesus, sa halip na dagdagan ang pondo ng CCT, dapat umanong ibuhos na lamang ang pondong ito para matulungan ang taumbayan na magkaroon ng hanapbuhay.- (Abante Tonite)