Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Salmon Teriyaki

Sangkap:

(Salmon)

  • 3 pirasong katamtamang laki ng salmon fillets
  • mantika

(Teriyaki Sauce)

  • 1 tasang tubig
  • 1/3 tasang soy sauce
  • 3 kutsarang mirin
  • 1 kutsarang cornstarch, tunawin sa ¼ tasang tubig
  • 1 kutsarang sesame oil
  • 4 kutsarang asukal na pula (i-adjust ang tamis ayon sa iyong panlasa)
  • ½ kutsaritang paminta
  • 2 manipis na hiniwang luya
  • 2 pirasong bawang, tinadtad at hiniwang maliit
  • ½ maliit na pirasong sibuyas
Paraan:

(Salmon)

  1. Lasahan ng asin ang salmon.
  2. Sa isang malaking kawali o pan, lagyan ng mantika, painitin at ilagay ang salmon, iluto, 1-2 minuto sa magkabilang side.
  3. Ilagay sa pinainit na 200 C na oven at iluto sa loob ng 15 minuto.
  4. Tanggalin mula sa oven at ibuhos ang teriyaki sauce sa nalutong salmon at ihain na may kasamang mainit na jasmine rice o kahit brown rice.

(Teriyaki Sauce)

  1. Sa isang sauce pan, paghaluin ang lahat ng sangkap maliban sa cornstarch at pakuluin.
  2. Habang kumukulo, ihalo ang tinunaw sa tubig na cornstarch at hayaang kumulo hanggang lumapot ang sauce.
  3. Alisin ang luya at sibuyas mula sa sauce at itabi.

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net