Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Salmon Belly Paksiw sa Gata

Sangkap:

  • 1 kg salon belly, linisin
  • 400 ml coconut milk
  • 1/2 cup tubig
  • ·1/2 cup coconut vinegar
  • 2 bungkos na bok choy
  • ·1 red onion, hiwaing manipis
  • · 6 cloves garlic, tadtarin ng maliit
  • ·2 tangkay ng spring onions, ihiwalay ang putting parte ng spring onion
  • 1 thumb sized na luya , hiwaing manipis
  • 4 pirasong siling haba
  • 4 pirasong birds eye chillies, hiwaing maliit
  • asin
  • patis
  • paminta
  • mantika

Paraan:

1.  Ilagay ang  salmon belly sa aluminium foil na nakalatag sa baking pan at lagyan ng asin at paminta.   Ilagay sa oven sa 180C sa loob ng 15 minuto o hanggang maging golden brown. 

2. Alisin sa oven at itabi.

3.  I-blanch ang bok choy sa kumukulong tubig sa loob ng 1 minuto at hanguin, i-drain at  hugasan sa malamig na running water at itabi.

4.   Igisa sa pan ang bawang, sibuyas , putting parte ng spring onion at luya.

5. Ilagay ang 1/2 cup ng tubig at suka.  Ilagay ang  red at green chillies at dahan-dahang  pakuluin sa katamtamang init ng apoy at kapag mag-umpisa nang kumulo ay ilagay ang coconut milk at hayaang kumulo.

6. At habang unti-unti nang kumulo ay lagyan ng patis at paminta at ilagay ang salmon belly kasama ang juice nito mula sa aluminum foil at pakuluan sa mahinang apoy sa loob ng 2 minuto.

7.  Ilagay ang bok choy sa gilid ng serving platter, ilagay ang salmon belly sa serving platter.

8. Budburan ng chopped spring onion sa ibabaw at ihain.

Recipe credits www.angsarap.net