Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Saging na tinabla ng China, ipapasalo sa Korea, Japan, ME

Mukhang hindi na rin maganda ang pinatutunguhan ng mga iringan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina.  Nagsimula sa pag-angkin ng Scarborough Shoal at lumala pa ng magpadala ng maraming warship ang Tsina sa nasabing isla at nagsimula rin ang pagra-rally ng magkabilang panig.  Maski ang ating ine-export na saging patungong Tsina ay naapektuhan na rin dahil pinatigil na diumano ito ng Tsina.

Ang sagot naman ng Pilipinas ay hindi raw kawalan sa Pilipinas ang pagtanggi ng Tsina sa ating mga saging dahil ayon kay Senador Francis Pangilinan, Chairman ng Senate committee on food and agriculture, maaari umanong makahanap ang Pilipinas ng iba pang bansa na pwedeng bilhin ang ating saging.  Nariyan umano ang South Korea, Japan, Russia at marami pang bansa sa Gitnang Silangan.