Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Rice Production, humina

Ayon sa ulat ni  Department of Agriculture Secretary Proceso Alcala, 3.99 milyong metro tonelada lamang ang produksiyonng palay sa unang quarter ng taong ito.  Ito ay dahil na rin sa sobrang init ng panahon.

Magkagayunman ay hindi diumano ito makakaapekto sa target na produksiyon palay sa kasalukuyang taon dahil alam nilang makakabawi din tayo sa ikalawa at ikatlong quarter ng taong ito.
Inaasahang aabot sa 3.846 milyong metro tonelada ang magiging ani ng palay sa ikalawang quarter at 3.413 milyon naman sa ikatlong quarter ng taong ito. Madaragdagan umano ang ani ng palay sa ikatlong quarter dahil ang mga magsasaka ay maagang nagtanim sa mga palayang sakop ng major irrigation system sa Luzon.