Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Sa patakaran sa South China Sea: Pilipinas sinuportahan ng U.S.

Sa pagpupulong na ginawa Pangulong Benigno C. Aquino III at US President Barack Obama sa Oval Office ng White House, kung saan nakuha ng Pangulo ang suporta ng lider ng Amerika sa isinusulong nitong pagkakaroon ng malinaw na panuntunan sa pagresolba sa mga awayan  sa karagatan  partikular sa Asia Pacific Region. Nagkasundo din ang dalawang lider na dapat masiguro ang “freedom of navigation” at i-respeto ang internatonal law at lawful commerce.   Kapwa naniniwala sina Aquino at Obama na dapat maresolba ang mga awayan sa teritoryo ng hindi gumagamit ng dahas at pananakot. Ayon kay Pangulong Aquino, hindi naman naging ispesipiko ang kanilang  pag-uusap tungkol sa pagpapalakas ng puwersa ng Amerika sa Asia Pacific Region. Nagpasalamat din si Aquino sa suportang patuloy na ibinibigay ng Amerika sa Pilipinas. Sinabi naman ni Obama na kailangang magkaroon ng malinaw na mga patakaran sa paglutas sa hidwaan sa South China Sea (na kinaroroonan ng Panatag at iba pang isla sa Spratlys na pinag-aagawan ng Pilipinas, China at iba pang kalapit na mga bansa).-(Philstar)