Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Pagbaba ng flag down rate, tinutulan

Mariing tumutol ang isang grupo ng mga taxi operators sa hiling ng commuters group na maibalik sa P30 ang kasalukuyang P40 na flag down rate sa taxi.

Pahayag ni Quezon City Councilor at Philippine National Taxi Operators Association (PNTOA) President Bong Suntay na walang basehan ang kahilingan ng National Council for Commuters Protection na ibalik sa P30 ang flag down rate sa taxi. Sinabi pa ni Suntay na maghahain ang kanyang grupo ng oposisyon sakaling isalang na sa pagdinig ng LTFRB ang bagay na ito.

Ipinaliwanag ni Suntay na nasa P 21.50 pa lamang ang presyo ng AUTO LPG at P38 naman ang presyo ng kada litro ng unleaded gasoline noong bago itaas sa P40.00 ang flag down rate sa taxi. Sa tantiya ni Suntay, malulugi ng P350  kada araw ang mga taxi ope­rators sa bawat unit kung ibabalik sa P30 ang flag down rate sa taxi.- (Philstar)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *