Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

News

Sa Pagkakataong Ito Umabot na sa Bilang 20,000 ang Bagong Kaso ng Coronavirus sa Tokyo

Bilang ng kaso ng coronavirus ngayon araw sa Tokyo – 20,000 sa unang pagkakataon

Iniulat ng Tokyo metropolitan government ng noong Miyerkules na ang bagong kaso ng coronavirus ay umabot sa bilang ng 21,576 tumaas ng 7,131 mula Martes at tumaas ng 7,490 mula noong nakaraang Miyerkules. At sa pagkakataong ito ay umabot sa pang araw araw na bilang sa 20,000.

4,039 sa bilang ng kaso sa edad 20s, 3,741 sa edad 30s, 3,496 sa edad 40s at 2,108 sa edad 50s, at habang 2,458 naman sa nasa pagitan ng 10 at 19, at 3,300 na mas bata sa 10. At ang kabuuang bilang sa buong Japan ay umabot na sa 94,930 na kaso.

Ang estado ng serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa Tokyo ay itinaas sa Antas 4, na nagpapahiwatig na “ang sistemang medikal ay pilit.” Ang status ng alerto sa impeksyon ay pinananatili rin sa Level 4, na nagpapahiwatig ng isang “patuloy na malakihang pagkalat ng mga impeksyon.”

Ang bilang ng mga nahawaang tao na naospital na may malubhang sintomas sa Tokyo ay umabot sa 30, mas mataas noong Martes, sinabi ng mga opisyal ng kalusugan. Ang bilang sa buong bansa ay 886, tumaas ng 82 simula noong Martes.

Iniulat rin nila na kung ang impeksyon ng COVID-19 ay patuloy na tumataas pa sa kasalukuyang bilang nito ay maaaring umabot sa 24,756 ang kaso sa Peb.10.