Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Roast Beef with Red Wine Gravy

Sangkap:

Roast

  • 1.5 kg roasting beef (topside o tenderloin)
  • 2 sibuyas, tadtarin
  • 2 carrots, hiwain katamtaman ang nipis
  • 2 tangkay ng  celery, hiwain
  • ½ pumpkin o kalabasa, hiwain pakuwadrado
  • 2 pirasong kamote o sweet potatoes, hiwaing pakuwadrado
  • 1 buong bawang, pitpitin at iwan ang balat
  • olive oil
  • sea salt
  • paminta

Red Wine Gravy

  • 3 tasang beef stock
  • ½ tasang dry red wine
  • 4 kutsarang brandy
  • ¼ tasang butter
  • 1 malaking sibuyas, tadtarin ng maliit
  • 1 kutsaritang asukal
  • pirasong bawang, pitpitin at hiwain ng maliit
  • 1 kutsarang sariwang dahon ng thyme, tadtarin ng maliit
  • 2 pirasong bay leaf
  • 2 kutsarang cornstarch
Paraan:

Roast Beef

  1.  Lagyan ng olive oil ang kabuuan ng beef at himausan ng asin at paminta.  Lagyan ng mantika ang cast iron roasting pan at ilagay ang beef at iluto hanggang ang lahat ng bahagi ng beef ay magkulay brown.
  2. Ihalo ang sibuyas,  carrots, celery at bawang at saka ilagay ang beef at ilagay sa oven sa init na 200C ( 292 F) at lutuin sa loob ng 1 oras kapag gusto ng medium cook o 1 oras at 15 vminuto kapag well done.
  3. Sa huling 45 minuto ng pagluluto, baligtarin ang beef sa kabilang side at buhusan ito ng juices na mula sa pan at saka ilagay ang pumpkin at kamote o seet potatoes.  Magdagdag ng 1/4 tasa ng tubig para magbigay ng moisture at ipatuloy ang pagro-roast.
  4. Kapag naluto na ang beef, alisin sa oven at takpan ng tin foil, itabi sa loob ng 15 minuto habang gumagawa ng gravy.

Red Wine Gravy

  1. Sa sauce pan, ilagay ang butter at sibuyas, lutuin sa mababang init hanggang ang sibuyas ay lumambot na tatagal sa loon ng humigit kumulang 10 minuto.
  2. Idagdag ang asukal para makatulong sa caramelization ng sibuyas at saka lutuin sa karagdagang 10 minuto.
  3. Ilagay ang sibuyas at thyme at iluto ng kargdagang 5 minuto.
  4. Idagdag ang stock, wine, brandy at bay leaf, pakuluin sa loob ng 30 minuto o hanggang ang sabaw ay mabawasan.  Alisin ang bay leaf.
  5. Sa paggawa ng cornstarch slurry, ihalo ang  2 kutsarang cornstarch sa 2 kutsarang tubig at ihalo ito sa sauce at haluin hanggang ang sauce ay lumapot.
  6. Tanggalin ang juice mula sa pinaglutuan ng roast beef at idagdag ito sa Red Wine gravy, haluing maigi at patayin ang apoy.  Ihain kasama ang  roast beef.  

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net