Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Chicken and Gnocchi Soup

Ang Chicken at Gnocchi Soup ay isang malasang sopas na naglalaman ng piraso ng manok, gnocchi, carrots at dahon ng spinach. Sa mundo ng culinary arts, ang salitang gnocchi (pronounced “NYO-kee”), ang ibig sabihin at isang klase ng  Italian dumplings na gawa sa patatas at harina. Madali lamang itong gawin.  Ang patatas at pinakukuluan at saka binabalatan sa pamamagitan ng potato ricer o food mill.  Ang lutong patatas at saka inihahalo sa harina upang makagawa ng dough.
Pagkatapos, ang dough ay inihuhulma na parang dumplings at pinakukuluan.  Kapag ang gnocchi ay lumutang sa ibabaw ng tubig na pinakukuluan, ang ibig sabihin nito ay luto na ang gnocchi.

Sangkap:
  • 500 g fresh gnocchi
  • 300 g chicken thigh cutlets, hiwain ng pakuwadrado
  • 1 carrot, kkinudkod
  • 50-70 g baby spinach leaves
  • 4 tasang chicken stock
  • 3 tasang gatas
  • 1 tasang cream
  • ¼ kutsaritang ground nutmeg
  • 1 puting sibuyas, tadtarin ng maliit
  • ½ tasang celery, tadtarin ng maliit
  • 6 pirasong bawang, pitpitin at tadtaring maliit
  • 4 kutsarang harina
  • asin
  • paminta
  • 4 kutsarang butter
  • olive oil

Marinade

  • 2 pirasong bawang
  • maliit rosemary sprigs
  • katas mula 1 lemon
Paraan:
  1. Paghaluin ang sangkap ng pang marinada at manok, hayaan sa loob ng 2 oras.
  2. Lutuin ang gnocchi ayon sa pakete.
  3. Sa kaserola, maglagay ng mantika at iluto ang piraso ng manok sa loob ng 8-10 minuto at itabi.
  4. Idagdag ang  butter, onion, celery at bawang, lutuin hanggang ang sibuyas ay maluto.
  5. Idagdag ang harina at lutuin sa loob ng 1 minuto at ilagay ang  milk, cream, chicken stock, nutmeg habang patuloy na hinahalo at hanggang sa lumapot.
  6. Ilagay ang manok at carrots at hayaang kumulo sa karagdagang 10 minuto.
  7. Ilagay ang lutong gnochi, lasahan ng asin at paminta, patayin ang apoy at saka ilagay ang baby spinach. Ihain habang mainit.

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net