Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Richard Guitierrez, Kapamilya Na!

Ilang taon na ang nakakaraan nang matapos ang kontrata ni Richard Gutierrez sa GMA 7 ay lumabas ang balita na lilipat diumano ito sa bakuran ng ABS-CBN subalit hindi ito natupad. Bagkus ay sa bakuran ng TV 5 siya pumirma ng kontrata. Nanatili muna siya sa TV 5 at gumawa ng ilang teleserye na patok sa manonood at ang reality TV show nila na “It Takes Gutz To Be A Gutierrez.” Taong 2008 pa lang ay may ugong-ugong na si Richard ay pipirma sa ABS-CBN at medyo natagalan man ang katuparan ng pangarap ng kanyang mga tagahanga ay nasulit ngayon taon na ito dahil ibinalita na magkakasama silang muli ng kanyang dating katambal na si Angel Locsin. Kamakailan, matapos ang kanyang pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN, pormal nang ipinakilala si Gutierrez bilang parte ng pinakaabangang serye na “La Luna Sangre,” kasama ang bida na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

I’m very happy and excited to be here finally. I’m very thankful to ABS-CBN for this opportunity and for the trust,” pambungad ni Richard sa isang presscon.

Ang sarap ng pakiramdam na nandito ako ngayon. I consider this a new journey and a new chapter, parang nagsisimula ako ulit.

Taong 2008 nang unang lumabas si Richard sa pelikula ng Star Cinema na “For The First Time” kung saan nakasama niya si KC Concepcion.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *