Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Richard Gomez at Dawn Zulueta

. Parehong kinumpirma ni Richard Gomez at Dawn Zulueta na tuloy na ang pelikula na pagsasamahan nilang dalawa na parte ng 20 years celebration ng Star Cinema at pareho na rin silang pumirma ng kontrata para sa nasabing pelikula at ibinahagi ng dalawa ang kanilang excitement sa kanilang pinakabagong proyekto kung saan makakasama nila sina John Lloyd Cruz at Jessy Mendiola. Isang karangalan para kay Dawn aniya ang mapabilang sa ikadalawampung anibersaryo ng Star Cinema. Sabi pa ni Richard, “I feel proud being part of the 20th anniversary. What a great year ano? What a great time to be with Star Cinema – ako, Dawn, John Lloyd… it’s really nice, exciting.”
Kasabay ng kanilang pelikula, kinumpirma din ni Richard at Dawn na muli silang magbibida sa isang teleserye at lahat naman ng ito ay dahil sa kanilang mga taga-hanga sa patuloy na pagsuporta sa kanilang tambalan. Dagdag pa ni Richard, “Yan yung mga fans namin na matagal nang naghahangad, nag-eexpect na makagawa kami ng movie pagkatapos ng Walang Hanggan, nandito na, matutuloy na so abangan ninyo.”